Sikat na recording artists, tampok sa MBC National Choral Competition

MANILA, Philippines - Magtatanghal ang ilan sa ating sikat na recording artist sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2015 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Luke Mejares ang mangunguna nga­yong December 8, kasunod naman sina Kean Cipriano at Eunice bukas. 

Si Jason Dy ang siya namang guest sa December 10, habang ang sikat na deejay ng 90.7 Love Radio na si Papa Jack ang aawit sa December 11. 

Para sa grand finals ng December 11, aawit sina Tanya Chinita ng 101.1 Yes FM at ang kilalang bandang J. Brothers.

44 na batikang mga choir mula iba’t-ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition.  P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division, salamat sa suporta ng Alaska, Shell, Hapee Toothpaste, Coca Cola, Cobra Energy Drink, Speed Detergent, M. Lhuillier, Jollibee, Dunkin Donuts, at ng the Philippine Choral Directors Association.

Alas-siyete magsisimula ang labanan gabi-gabi. Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa telepono bilang 555.3477, 832.6125, o tignan sa F­acebook ang official page ng MBC National Choral Competitions.

Show comments