A Second Chance, napapanood na worldwide

MANILA, Philippines - Nagtala sa kasaysayan bilang highest-grossing Filipino film sa labas ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ang A Second Chance ang sequel sa 2007 box-office hit na One More Chance na sobrang minahal ng mga moviegoers dahil sa mga memorable lines at love story nina Popoy (John  Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo).   

Marami ang nakakarelate sa pelikula mula noong ito’y unang pinalabas noong 2007 at magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring minamahal ng mga manonood.  Ipinalabas na ito sa Pay Per View on TFC at sa TFC.tv at nagkaroon na rin ng CD at DVD versions.  Ayon kay Bea, higit sa papuring inaani nila, mas kahanga-hanga sa kaniya ang pagtanggap ng audience, kasama na ang bagong henerasyon.  “I am very proud of the Filipino audience na tinatanggap nila ng ganito ang pelikula.”

Sa A Second Chance, muling bibig­yang buhay nina John Lloyd at Bea ang kanilang iconic roles na dadalhin naman ng TFC@theMovies worldwide.

Sa panibagong pahina ng kanilang buhay, haha­rapin ni Popoy at Basha ang pagsubok sa isang bu­hay mag-asawa. Minahal ni Basha si Popoy at bi­nigyan ng pangalawang pagkakataon noon.  Ngunit mabibigyan pa kaya niya ito ng isa pang pagka­kataon dahil sa mga pagbabago? 

Ibi­na­hagi naman ni Popoy na isa sa mga realidad ng buhay mag-asawa ang pagbabago.  

Ayon nga sa linya niya sa pelikula “It’s brave to ask what if but it’s even braver to embrace what is.”  

Ang A Second Chance ay directed by Cathy Garcia-Molina kasama ang writing tandem ng talented screenwriters na sina Carmi Raymundo at Vanessa Valdez. 

Huwag palalampasin ang pagpa­patuloy ng kuwento nina Popoy at Basha at alamin kung ilan nga bang beses dapat bigyan ng pagkakataon ang pagmamahalan sa A Second Chance na palabas na sa Middle East, North America, Europe at ipalalabas sa Australia at New Zealand simula December 10; sa Singapore sa December 12 at sa Hong Kong sa December 13.

 

Show comments