Alden at Maine parang kabuteng nagsulputan ang mga billboard
Ang AlDub loveteam na sina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang pinakabagong karagdagan sa lumalaking pamilya ng Bench ng successful businessman na si Ben Chan.
Nakatayo na ang naglalakihang respective billboards nina Alden at Maine sa may Guadalupe in Makati – si Maine sa Bench at si Alden sa Fix Salon.
Hindi talaga nagpapahuli ang Bench pagdating sa pinakamaiinit na celebrities ganun din naman ang Belo Medical Group ni Dra. Vicki Belo.
Samantala, naniniwala ang AlDub Nation na ang pelikulang My Bebe Love (#KiligPaMore) na pinagsasamahan ng dalawa at nina Vic Sotto at AiAi delas Alas mula sa direksiyon ni Joey Javier Reyes ang inaasahang mangunguna sa takilya sa pagsisimula ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa araw ng Pasko, December 25. Pero huwag din sila pakakasiguro dahil may kani-kanilang kakaibang attraction ang respective movies nina Vice Ganda at Coco Martin with JaDine nina James Reid at Nadine Lustre kasama ang bagong child star na si Alonzo Muhlach. Nariyan pa ang All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay kung saan kasama ang dalawang maiinit na tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim maging nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion plus Pokwang.
Ang nabanggit na tatlong pelikula ang inaasahang maglalaban-laban sa Top 5 simula sa opening day ng festival.
Dating Sec. Gibo Teodoro ayaw na uling sumubok sa pulitika
Marami ang nanghihinayang na hindi na tumakbong muli sa pagka-pangulo ang dating Secretary na si Gilbert “Gibo” Cojuangco Teodoro dahil mas focused ito ngayon sa kanyang mga negosyo at pagiging board of director ng isang kilalang bangko.
Ang paniwala ng marami, ito sana ang tamang panahon na tumakbo si Gibo sa panguluhan pero wala na siyang balak sa muling pumasok sa pulitika (maybe for now).
- Latest