PIK: Si Nora Aunor daw ang isa sa unang nangakong mag-endorse kay Atty. Lorna Kapunan na tumatakbong senador sa ilalim ng partido ni Sen. Grace Poe.
Bukod kay Ate Guy, marami pang celebrities na naging kliyente niya ang willing na tulungan itong ikampanya.
Pero aminado si Atty. Kapunan na fan siya ng Superstar kaya malaki ang pasasalamat niya nang sinamahan daw siya ni Ate Guy sa isa sa mga sorties niya.
PAK: Kamakalawa ng gabi ipinalabas sa ABS-CBN 2 ang Star Awards for TV, pero ang latest na narinig namin, nairita raw ang producer na si Tess Celestino ng Airtime Productions dahil ipinagbawal daw ng Kapamilya network ang mga commercial ng AlDub.
Papayagan lang daw nila kung si Alden Richards lang o si Maine Mendoza ang may commercial. Pero kung silang dalawa ang nasa isang commercial, hindi raw puwedeng iere.
Nairita raw si Tita Tess dahil binili naman daw niya ang oras na iyun, at bakit kailangang pakialaman ang mga nakukuha niyang commercials? Paano naman daw siya kikita lalo na’t ang daming commercials ngayon ng AlDub?
How true na kailangan pa raw i-review ng mga taga-ABS-CBN ang buong awarding ceremony at desisyunan kung meron silang gustong i-edit?
BOOM: Tuwang-tuwa ang followers nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mapanood nila ang first TV appearance ng baby nilang si Maria Letizia sa documentary ni Dingdong na Dingdong Dantes Presents 2 degress Panahon Na. Bale iyun din ang first TV appearance ng buong pamilya pagkatapos iniluwal ni Marian ang kanilang anak.
Kamakalawa rin ay lumabas si Marian para dalawin si Dingdong sa isang TV commercial shoot kasama ang Daddy nito.
Dala ni Marian ang kanilang Baby Zia kaya pinagkaguluhan ito sa set.
Base sa litratong ipinost ng handler ni Dingdong na si Paolo Luciano, ang payat na agad ni Marian at puwede na nga itong bumalik sa trabaho. Pero naka-focus muna ngayon ang GMA Primetime Queen sa pag-aalaga sa kanilang napakagandang baby.