Ang orange watch ng tennis superstar na si Rafael Nadal ang una kong hinanap kahapon. Nasa bansa ang tennis superstar para sa isinasagawang IPTL (International Premier Tennis League).
Ang nasabing relos kasi ang laging suot ni Nadal tuwing maglalaro siya. Eh milyun-milyon ang halaga ng nasabing orange watch. Ayon sa CNN Money, nagkakahalaga ito ng $850,000 na sa pesos ay mahigit P40-M. “The remarkable timepiece, called the RM 27-02 Tourbillon, was made specifically for the Spanish tennis star by Richard Mille for the 2015 Roland Garros tennis tournament this week in Paris.
“Nadal was one of the first professional tennis players to wear a watch on the court. He’s been an official Richard Mille “ambassador” since 2010, along with golfer Bubba Watson, F1 driver Felipe Massa and actress Natalie Portman.
“Only 50 of the Nadal watches have been made. The remaining 49 are reportedly being sold at 734,000 Swiss franc, or nearly $850,000, a pop,” ayon sa report ng CNN Money.
Kaya naman siguradong marami siyang bantay habang nasa ‘Pinas at naglalaro sa IPTL na nagsimula noong Linggo at matatapos ngayong araw.
Sino kayang Pinoy ang may ganitong relos na?
Dingdong mas piniling magkaanak kesa mag-pulitiko
Mas pinili ni Dingdong Avanzado na subukang magkaanak sila ni Jessa Zaragosa kesa kumandidato uling vice governor ng Siquijor.
Mismong ang misis niya ang nagsabi na kung gusto niyang magkaanak pa uli sila, ‘wag siyang kumandidato.
Hindi nagpapitik-pitik si Dingdong, nag-decide agad siyang mamahinga na sa pulitika.
“Mahirap kayang mag-alaga na mag-isa. Dapat dalawa kaming magbabantay sa baby,” sabi ni Jessa na balik-solo concert sa January 15, 2016. Kaya ngayon, bukod sa solo concert, tinatrabaho rin nila ang makabuo ng second baby.
Si Dingdong din kasi ang director ng nasabing concert na may pamagat na I Am Me kaya lagi silang magkasama kaya ang tendency, baka mapabilis ang pagbuo nila ng second baby kahit na nga 13 years old na ang kanilang panganay.
Anyway, year 2002 pa ang last solo concert ng Phenomenal Diva sa Music Museum at sa kanyang pagbalik, same venue ang comeback niya.
In between naman ng more than a decade na absence niya, may mangilan-ngilan naman siyang concert pero hindi niya talaga solo kaya ito lang I Am Me ang kino-consider niyang comeback concert.
Magiging abala rin siya sa album na gagawin sa January. Foreigner ang producer niya na sa Facebook message lang sila unang inoperan pero nagkaayos naman at ngayon nga ay magkakaroon ng launching next year.