Christian gustong kalabanin sina Adele at ang 1D

Hindi lang American music scene ang gustong pasukan ni Christian Bautista kundi maging ang English music scene na kasalukuyang pina­mamayanihan nina Adelle at ng One Direction. Kasalukuyang nasa No. 44 ang Pinoy balladeer with his song Who Is She To Me. Inaasahan niya na ma­kakapasok ito sa Top 10 sa UK Charts. Lumabas bilang single ang kanta na makakasama sa gaga­win niyang album sa Universal Records sa susunod na taon. 

Bago ito ay nakapag-record na ng isang kanta si Christian sa LA, California, USA. Ito ang Two Fo­re­vers kasama si Jessica Sanchez.

Janella mas malakas kay Sharon

Hindi ang movie kundi ang song na Dear Heart ang pinayagan ni Sharon Cuneta na i-revive ni Janella Salvador at ngayon ay kasama sa first titled album nito sa Star Music. Kung ang pelikula na ipagagawa sanang muli kay Sarah Geronimo ay hindi pinayagan ni Sharon, ang kanta ay sinasa­bing kinalugdan pa niya. Kasama marahil ito sa lucky streak ni Janella. Bukod sa nakagawa siya ng dalawang matatagumpay na teleserye sa umaga sa ABS-CBN ang Be Careful With My Heart at Oh, My G! Next year ay leading lady siya ni Elmo Magalona na kalilipat lamang from GMA sa teleseryeng Born To Love.

Bida na rin siya sa isang movie ng Regal Fims na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 na Haunted Mansion.

Jennifer Laude binigyang pugay sa Pride March ng LGBT

I’m sure hindi ininda o ikinagalit ng mga nagninegosyo sa bahagi ng Tomas Morato at karatig na lugar ng Quezon City ang pagsasagawa ng culminating activities ng ikalawang taon ng QC Pride March ng LGBT community na pinamunuan ni EJ UIanday mula sa Office of Mayor Herbert Bautista. Hindi naman talagang isinara ang kalye, puwede pa ring pumunta sa mga kainan na nakapalibot sa lugar dahil ang gitna lamang ng Morato ang nilagyan ng napakalaking stage na pinagtanghalan ng isang napakaseksing fashion at musical show.

Binigyan tribute ng LGBT ang namatay nilang kasama na si Jennifer Laude. Pinapurihan din ang abogado na nagtanggol dito at ang namumuno ng Youth Commission. Binigyan ng award ang Best Float, Most Colorful Participant at marami pang nagjoin sa taunang selebrasyon na may delegasyon na nagmula sa Ilocos at iba pang lalawigan.

Inaasahan ang mas masaya pang 3rd QC Pride March sa 2016. Mayor Herbert was ably represented by QC Councilor Mayen Juico.

 

Show comments