TV personalities nabubuko ang mga ‘kagagahan’ sa social media

MANILA, Philippines - Level up ang lifestyle ng isang TV personality. At bukung-buko ito sa social media accounts niya. Kung noon local brands lang daw ang sinusuot niya, now mga high end brand na.

Samantalang ayon sa source, hindi naman kalakihan ang kita ni TV personality para maka-afford siya ng mga branded na kagamitan.

Ang feeling ng source, may kinakapitan itong maimpluwensiya at dapat sisihin ang kanyang social media accounts dahil nabubuko ang mga ‘gimik’ niya.

Iba naman ang drama ng isa pang TV personality na kinabubuwisitan naman sa sobrang TH. Iritable ang marami sa kanya dahil gamit na gamit niya ang social media sa mga libreng kagamitan.

Palibhasa raw ‘di busy sa TV kaya sa social media nagpapakaabala.

Parehong babae ang TV personality na ito na mga adik sa social media.

White Christmas keri na sa ‘Pinas!

Kagaya ng sa kanta ni Bing Crosby, ang white Christmas ay nananatiling pangarap na lamang para sa atin dahil wala namang snow sa ating bansa.

Pero dumating sa Pilipinas ang Snow World at nagkaroon ng katuparan ang white Christmas na ating inaasam-asam mula noong ating kabataan.

Kagaya rin sa ibang bansa, nararanasan na natin ngayon ang maglaro at magbatuhan pa ng snow. Nararanasan na rin natin ngayon kung papaano ang magpadulas sa yelo, at hindi basta padulasan lang. At ‘yan umamo ngayon ang pinakamalaking man-made ice slide sa buong mundo, na may habang 75 meters na gawa sa purong yelo.

Ayon sa mga nakapunta na, ramdam ang kakaibang lamig ng winter, dahil eighteen degrees below zero ang lamig sa loob ng Snow World na puwedeng puntahan araw-araw, sa buong isang taon ha. Sinasabi nga nila na sa Snow World lamang nananatiling “winter forever”.

Dahil malapit na nga ang Pasko, makikita ninyo sa loob ng Snow World si Santa Claus.

At take note, nakasakay siya sa kanyang sleigh na gawa sa yelo, na hinihila ng reindeer na yelo rin. Makikita rin kung papaano siya pumapasok sa mga bahay para ibigay ang kanyang mga regalo. Maaari rin ninyo siyang tabihan at makapag-selfie kasama niya sa isang swing.

At kung talagang kayo ay giniginaw na, ito ang the height puwede kayong mag-kape sa Snow World Cafe sa loob mismo ng Snow World.

Ang Snow World ay bukas araw-araw mula alas-kuwatro kung weekdays, at mula alas dos kung weekends, sa Star City.                  

Show comments