Naba-bash si Barbie Forteza ng ilang viewers ng Sunday PinaSaya dahil OA raw sa mga ginagawa at aminado itong OA nga siya, pero ‘yun ang nasa script at sinusunod lang niya.
Pero sa The Half Sisters, walang mairereklamo ang nanonood dahil sa mahusay niyang pagganap sa role ni Diana.
Bago magtapos, nanalong Best Daytime Drama Series sa PMPC Star Awards. Ang laki ng tulong kay Barbie ng The Half Sisters sa financial side at acting wise. Nakabili sila ng bahay at iba pang material things.
Abangan si Barbie sa 2016 Cinemalaya film na Tuos kasama si Nora Aunor at Singkuwento International Film Festival 2016 movie na Laut. Ang nasabing pelikula ang opening film sa SIFF.
Win nagpa-fellowship sa showbiz
Nakakatuwa dahil sa halip na presscon, “Fellowship Lunch o Fellowship Dinner” ang itinawag ni Valenzuela Congressman Sherwin “Irwin” Gatchalian tuwing haharap siya sa entertainment press.
Sa katatapos na pagharap niya sa entertainment press, pinasalamatan niya si Mother Lily at si Lolit Solis na muling tumulong para maiparating na ng malinaw ang plataporma niya sa 2016 elections na kung saan, tumatakbo siyang senador under Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero as President and Vice President respectively.
Nagpasalamat si Win sa pag-i-endorse ni Mother Lily at sinusundan daw niya ang mga ini-endorse ng lady producer dahil hindi basta-basta ang mga ini-endorse nito at hindi questionable ang integredad.
Maganda ang ginagawa niya sa Valenzuela City na nagbibigay ng free lunch sa elementary education at free secondary and college education to lessen poverty and unemployment.
Malaki ang magagawa ni Win ‘pag nasa senado na siya.
Para sa movie industry, tax exemption in ticket sales sa local movies at tax rebate sa movie houses na nagpapalabas ng local movies ang nakitang solusyon ni Win para matulungang muling sumigla ang movie industry.
Max naudlot kay Alden
Isa si Max Collins sa gusto naming artista dahil kahit hindi mo nakikita ng madalas at sa presscons, at nitong huli, sa Christmas Party lang ng PPL namin nakita, sumasagot ‘pag tini-text. Nag-i-effort din itong mag-DM sa Twitter kung medyo personal ang pag-uusapan.
Ibinalita ni Max na tuloy na ang shooting niya ng movie sa Qatar sa January 2016 at two weeks sila roon ng ka-partner niyang si Jess Mendoza. Dapat si Alden Richards ang leading man ni Max, pero hindi kaya ng schedule nito at pinalitan.
May pamagat na Footprints On The Moon ang pelikula.
Samantala, masaya si Max dahil nasa second season na ang Juan Tamad nila si Sef Cadayona.
Gabriela kasama na sa laban ng indie actress na binugbog daw ng direktor
Nakatanggap kami ng text message tungkol sa kaso ni director Jay Altarejos at actress Dalin Sarmiento.
“Women’s partylist group Gabriela has thrown its support for independent film actress Dalin Sarmiento in a battle to make director Joselito “Jay” Altarejos accountable for battering and physical abuse during the filming of an indie movie last October.
“Dalin Sarmiento sought our assistance as well as our advice following her harrowing ordeal under Altarejos and we certainly feel that her experience should not be tolerated in the Philippine showbiz industry. We fully support Dalin Sarmiento and we admire her for coming out and standing up for her rights as an actor and as a woman,” said Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus.