^

PSN Showbiz

Vhong laging may bitbit na mga bodyguard!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Cong. Sherwin Gatchalian ang kauna-una­hang in-endorse ni Mother Lily Monteverde sa hanay ng senatoriables.

Sabi kasi ni Mother Lily, mag-iingat na raw siya sa mga tumatakbong senador dahil nung nakaraang eleksyon, ang dami niyang tinulungan. Ngayon ay pipiliin na lang daw niya ang mas gusto niya. ‘Yung mga bago at hindi na mga trapo na wala namang nagawa sa ilang taong pag-upo sa senado.

Isa si Cong. Gatcha­lian sa pinaka-promising na se­natoriables at pinuri ng movie press na nakaharap niya kamakalawa lang.

Iniiwasan na rin ni Cong. Gatchalian ang isyu tungkol kay Pauleen Luna dahil malapit na siyang ikasal. Kaya masaya na raw siya sa dating girlfriend at kahit friends naman sila, tingin daw niya ay hindi siya iimbitahin sa kasal nila ni Vic Sotto.

PAK: Alas-kuwatro pa lang ng hapon ay may natanggap na kaming leakage ng winners ng nakaraang Star Awards for TV na ginanap sa Kia Theater sa Cubao kamakalawa ng gabi.

Ayaw sana naming ma­ni­wala pero detalyadung-de­talyado ang impormas­yon na ibinigay sa amin.  

Ang pagkakaalam namin, napagsabihan na ang winners para dumalo sila. Tinitiyak lang nilang makakarating ang lahat na mga winner para star-studded ang dating nito kapag napanood na sa TV.

Isa sa pinagkaguluhan ng mga reporter doon sa awarding si Sheryl Cruz na tinanggap ang Best Supporting award na iginawad sa kanya ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Aware si Sheryl na tungkol sa pinsan niyang si Sen. Grace Poe ang tatanungin, pero ayaw na raw sana niyang magsalita tungkol doon. Ang ginawa ng aktres, nagbigay siya ng kanta na mensahe raw niya para kay Sen. Poe.

Mas gusto na lang daw niyang i-enjoy ang Pasko dahil nandito raw ang anak niya, mga pamangkin, at yaya niya. Nalulungkot lang daw siya dahil first Pasko ito na hindi kumpleto ang pamilya dahil hindi pa niya nakakausap ang pinsan niya at ang favorite Tita niyang si Susan Roces.

BOOM: Kapansin-pansin ang dalawang mala­laking taong umaaligid sa presscon ng MMFF entry ng Quantum Films na Buy Now, Die Later na pinagbibidahan nina Vhong Navarro, TJ Trinidad, Alex Gonzaga, at Janine Gutierrez na ginanap sa Max’s Restaurant kamakalawa ng hapon. Bodyguard pala iyun ni Vhong.

Aminado si Vhong na hanggang ngayon ay nan­diyan pa rin daw ang takot sa kanya kaya pagkatapos ng nangyari sa kanila sa grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo dalawang taon na ang nakararaan.

Dati raw ay nakakatanggap siya ng death threats pero ngayon ay medyo tahimik na, mabuti na rin daw ang nag-iingat.

Totoong may nagpaparating daw sa kanya ng mga mensaheng makikipag-ayos sa grupo nina Cedric pero diretso ang sagot ng aktor na hindi siya open sa posibleng pag-aayos.

Hindi lang daw siya makapagsalita pa ng lahat lahat dahil kailangang sundin daw niya ang gag order ng korte.

ACIRC

ALEX GONZAGA

ANG

BEST SUPPORTING

BUY NOW

CEDRIC LEE

DAW

NIYA

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with