O hayan ha, naospital na si Alden Richards! Papagpahingahin n’yo naman siya! Hindi tuloy siya nakasipot sa Walk of Fame ko sa Eastwood City, pero naiintindihan ko siya. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos na pangatawanan niya ang role sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at pagtupad pa sa mas nakakaraming trabaho na hatid ng kanyang kasikatan, talagang magugupo siya.
Aanhin ba niya ang marami niyang datung kung mapupunta lamang ito sa pagpapaospital niya? Kaya please, let him rest.
Julia mas matapang kaysa kay Claudine!
Ang tiyahin pala niyang si Claudine Barretto ang peg ni Julia Barretto sa pagganap na kontrabida sa kanyang bagong teleseryeng And I Love You So. Kaya lamang, marami sa nakapanood ng trailer ang naniniwala na hindi siya kailangang manggalaiti, sumigaw, o maging maingay to stress a point lalo’t magkaeksena sila ni Miles Ocampo.
Never ‘yun ginawa ni Claudine.
Rachelle Ann kapuri-puri sa pagbibigay karangalan sa bansa
Sana dumating na agad si Rachelle Ann Go para mabigyan ko siya ng star sa Walk of Fame Philippines. Wala siya rito at nagtatrabaho sa Broadway kaya hindi nakasama sa mga pinarangalan ko this year.
Balak ko ring kilalanin sa pamamagitan ng WAFP ang ilang Pinoy na nagpakila sa Pilipinas sa bansang kanilang kinaroroonan ngayon.