TINGNAN: Baby Letizia nina Marian, Dingdong

"Masasabi ko na tayo'y isa nang ganap na pamilya, at ako'y isa nang ganap na ina," nakasaad sa caption ng larawan ni Marian Rivera. Instagram/therealmarian

MANILA, Philippines – Naglabas na ng larawan ng kanilang anak sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nag-post si Marian sa kaniyang Instagram account ng natutulog na si Baby Letizia.

Inalala ni Marian kung paano niya dinala ang kanilang prinsesa sa loob ng 41 linggo at ang kaniyang 18 oras na labor bago siya nailuwal.

"Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat. Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko. @dongdantes," sabi ni Kapuso primetime queen.

"Masasabi ko na tayo'y isa nang ganap na pamilya, at ako'y isa nang ganap na ina. Napakasarap ng biyayang ito."

Show comments