Sa kabila ng kundisyon ng kalusugan ngayon ng Master Showman na si Kuya Germs Moreno, hindi pa rin nito kinaligtaan ang taunang pamimigay niya ng pagkilala at sariling star sa mga kilalang personalidad sa industriya sa kanyang pet project na Stars Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City na ginagawa niya tuwing December 1.
Although marami pang ibang naka-line-up na pangalan sa Stars Walk of Fame, ipinagpaliban ito ni Kuya Germs dahil gusto niya present ang mga ito at kasama na rito si Rachelle Ann Go na kasalukuyang nasa London for her West End musical play na Les Misérables kung saan ito gumaganap sa papel sa lead role na Fantine. Ito rin ang naging daan para tanghalin siyang Best Performance In A Long-Running West-End Show (Female) sa Broadway World (UK) Awards recently. Plano rin ni Kuya Germs isama next year ang pangalan ni Marlene dela Peña, ang kauna-unahang Filipina na naging superstar sa Japan nung late `70s to the `80s.
Dina kumportable sa pagiging misis ng pulitiko
Personal na ipinakilala sa amin ni Dina Bonnevie ang kanyang mister na si Vigan Vice-Governor Deogracias Victor Savellano sa pag-aari nilang Victorino’s restaurant in Quezon City kung saan ginanap ang first Ilocano cooking wine na dinaluhan at pinangunahan mismo ng dating Unang Ginang at Ilocos Norte 2nd District Represenative na si Imelda Romualdez-Marcos, at mga anak nitong sina Sen. Bongbong Marcos at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.
Sa aming nakita, mukhang kumportable na si Dina sa kanyang role bilang isang politician’s wife na isa ring successful restaurateur.