Julia mas tumatapang ang hitsura sa make-up

Julia

SEEN: No show si Alden Richards sa Walk of Fame event sa Eastwood Libis noong Martes dahil may sakit siya. Si Maine Mendoza ang nag-represent kay Alden na binigyan ng sariling bituin sa Walk of Fame.

SCENE: Pinagkalooban ng star sa Walk of Fame ang singer na si Gerphil Flores. Natalbugan pa ni Gerphil ang ibang mga aktor at aktres na higit na may karapatan na mabigyan ng recognition sa Walk of Fame.

SEEN: Hindi invited sa Walk of Fame event ang ABS-CBN at understood ito dahil mga artista ng GMA 7 ang karamihan sa mga binigyan ng parangal.

SCENE: Ngayong gabi ang Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa KIA Theater. Exclusive sa ABS-CBN ang telecast ng Star Awards for TV kaya hindi mapapanood ang mga television ad nina Alden Richards at Maine Mendoza.

SEEN: Matapang ang mukha ni Julia Barretto sa publicity photos ng And I Love You So dahil sa kanyang make-up. Nababawasan ang ningning ni Julia dahil sa mga negative issue na kinasangkutan gaya ng pang-iisnab sa fans at strained relationship nila ng kanyang ama na si Dennis Padilla.

SCENE: Hindi nakadalo si Dingdong Dantes sa Christmas Party for the Entertainment Press ng PPL Entertainment, Inc. dahil kasama siya ni P-Noy sa Climate Change Summit sa Paris, France.

SEEN: Confident si Atty. Lorna Kapunan na malakas ang mga kaso na isinampa niya laban sa blogger na si Michael Sy Lim. Si Kapunan ang legal counsel ni Liz Uy na nagsampa ng libel at slander cases laban kay Lim.

SCENE: Lilipad bukas sa Magdeburg, Germany si Christi Lynn McGarry, ang representative ng Pilipinas sa Miss Intercontinental beauty pageant na magaganap sa December 18.

Show comments