^

PSN Showbiz

Derek iritable sa pagpasok ni Richard sa Panday

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May karapatan nga bang magtampo si Derek Ramsay sa TV5 dahil sa ginanap na trade launch ng network ay tila mas maganda at mas malaki ang produksyon na gagawin ni Richard Gutierrez bilang bagong Panday na si Carlo Caparas ang magdidrek?

Meron din namang bagong programa si Derek, pero wala pang kasiguruhan dahil nga tinanggihan niyang makatambal si Claudine Barretto. Kung ipasya ng network na huwag na itong gawin ay wala siyang magagawa.

Marami pang ibang mga nakahandang proyekto sa network na pag-aari ni Manny V. Pangilinan na pangangasiwaan ng Viva big boss na si Vic del Rosario ang mabibigyan ng katuparan kasama na nga ang Panday.

Tiangge ng PMPC sinuportahan ng mga luma at bagong artista

Napasyalan n’yo ba ‘yung two-day Celebrity Tiangge ng PMPC dun mismo sa kanilang opisina sa Delta Bldg., Roces Avenue? Kung hindi ay ang dami n’yong na-miss na mga ma­ga­ganda at affordable na damit at gamit ng artista. Good as new ang mga ito dahil minsan lang nila itong nagamit pero ibinigay na ng mga artista para mapakinabangan ang pinagbentahan ng mga may sakit at nangangailang ng mga medical assistance na mga miyembro ng PMPC.

Ang gaganda ng mga Barong Tagalog na ibinigay ni Kuya Germs. Branded naman ang blazer & pantsuits na donation ni Coney Reyes. May gown na bigay si Ara Mina, mga sapatos at bags mula kay Rita Avila, sapatos mula kay Alden Richards, bagets outfits mula kina Sofia Andres, Rayver Cruz, Enchong Dee, Vice Ganda, Richard Yap, Kristoffer Martin, TJ Marquez, Harvey Bautista, Miggs Cuaderno, Jon Lucas, Gerald Santos, Jake Vargas, Marlo Mortel at marami pang iba.

Watch out lang kayo for further announcement dahil baka maging ongoing na ang project. Sa rami ng gustong mag-donate, baka gawin nang weekly ang tiangge o kaya baka ulitin ito bago mag-Pasko.

Sen. Grace makikita sa Kalyeserye?!

Nakakatuwa naman na kahit paano ay masusuportahan ni Maine “Yaya Dub” Mendoza si Sen. Grace Poe sa pagka-pangulo para sa eleksyon sa 2016 sa kanyang paglabas sa Kalyeserye bilang isang ampon sa isa sa mga araw na darating.

Sa rami ng mga pulitiko at maging ng mga kapanalig nila na nagtatangka para mapigil ang pagtakbo ng anak nina Da King at Susan Roces sa pampa­nguluhan ay kung anu-ano na ang mga naiisip nilang paninira rito.

Habang nagtatagal ay lalong dumarami ang supporters ni Sen. Grace na nagmumula sa showbiz.

Mga franchise na programa hindi na pararangalan ng PMPC

Sa Disyembre 3, gaganapin ang 29th Star Awards For Television ng PMPC sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao.

Layunin ng PMPC na bigyan ng pagpapahalaga ang mga orihinal na sariling atin, kaya’t ang mga franchise shows tulad ng Pure Love, Baker King, Two Wives, Pasion de Amor ay hindi isinali sa mga nominadong programa, subalit kasali sa mga acting categories ang mga deserving na nagsiganap sa mga ito. Tulad din ng remake shows na Pangako Sa ‘Yo at Yagit, ‘di na rin sila kasali sa mga nominadong programa, pero pasok sa nominasyon ang mga deserving sa acting categories.

Ganoon din ang iba pang mga franchise na game at reality shows.

Naluklok na sa Hall Of Fame (nagwagi na ng 15 awards) ang mga progra­mang Maalaala Mo Kaya, Eat Bulaga, at Bubble Gang, kaya’t wala sila sa listahan ng mga nominadong programa, subalit ang mga mahuhusay na pagganap sa MMK ay binigyan ng nominasyon. Gayundin sa mga deserving na hosts ng Eat Bulaga at mga komedyante ng Bubble Gang.

Hall Of Famer din si Boy Abunda bilang Best Showbiz Oriented Talk Show Host, kaya’t ‘di na rin siya nominado sa naturang kategorya.

Ngayong taong ito, ipagkakaloob ang Ading Fernando Lifetime Achievement kay Ms. Coney Reyes at ang Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement ay kay Ms. Maria A. Ressa.

Ipagkakaloob naman ang German Moreno Power Tandem kina Alden Ri­chards & Maine Mendoza at Liza Soberano & Enrique Gil (LizQuen).

Ang 29th PMPC Star Awards For Television ay produced ng Airtime Marke­ting ni Ms. Tess Celestino.

Nagbibigay ng awards sa showbiz nadagdagan na naman

Nagdagdagan pa ng isang grupo ang kumilala sa kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng telebisyon. Ito ang RAWR Awards na magsisimulang magbigay ng parangal sa mga taga-TV sa Huwebes, Disyembre 4, sa Meralco Theater. Isang raw makatapos namang ganapin ang ika-29th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang kaibahan nga lamang ang RAWR Awards ay base sa popularidad ng mga taga-TV at tagahanga na boboto online samantalang ang sa Star Awards ay pagpapasyahan at pagbobotohan ng lahat ng voting members ng PMPC.

Ang RAWR Awards ay bahagi ng ika-7th anibersaryo ng LionHeart TV na pinamumunuan ng owner/founder nito na si Richard Paglicawan.

ACIRC

ADING FERNANDO LIFETIME ACHIEVEMENT

ANG

AWARDS

BUBBLE GANG

EAT BULAGA

MGA

PMPC

STAR AWARDS

STAR AWARDS FOR TELEVISION

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with