Patok na patok agad ang bagong bukas na kainan ng anak ni AiAi delas Alas na si Sancho kasama ang mga kaibigan na ang ilan ay foreigner bilang mga investor.
Nang pumasyal kami last Saturday night, umaapaw ang customers. Eh kung tutuusin, kabubukas lang ng Skinita Street Foodz na matatagpuan sa No. 20 United Street D-Strip Building Kapitolyo, Pasig.
Pang-tambay ang mga pagkain sa Skinita. May fishaballs, kikiam, squid balls, kwek-kwek, at kung anu-ano pang mga pagkain sa mga kantu-kanto lang nabibili.
Air-conditioned ang lugar at meron silang Hugot Wall. At base sa nasampulan naming pagkain, ang sarap. Maraming may gusto ng street foods kaya lang, maraming takot sumubok kasi nga naman may ilang maseselan. Pero ito, wala kayong aalalahanin dahil malinis na malinis kahit pang-tambay ang ‘foodz.’ Pina-sosy na pagkain sa karenderya na kapresyo lang sa madalas puntahan ng mga tambay.
Kaya naman panay ang pasasalamat ni Sancho sa kanyang mommy AiAi na all out ang suporta sa kanya. Dream come true rin ito sa Kapuso actor.
Proud momma ang Comedy Queen noong Sabado ng gabi sa grand opening ng Skinita dahil maging siya at takang-taka na umaapaw ang tao.
“Nag-eepal lang ako pero proud talaga ako. I’m not part of the corporation pero inuutu-uto ko pa sila pero magtatayo rin ako ng Skinita. Ha! Ha! Ha! Gusto kong mag-franchise,” pahayag ni AiAi nung Sabado.
Culinary ang kurso ni Sancho sa La Salle na bukod sa Skinita ay pinagkakaabalahan din nito ang shooting ng My Bebe Love. Yup, kasama ang binata sa Ms. Ai, Vic Sotto, and AlDub movie na pang-filmfest.
“Doon siya kay Bossing na na-starstruck,” say ni AiAi.
“Nu’ng start ng shooting, panay ang tawag niya. ‘Okey ka ba riyan? Baka nabubulok ka na.’ Sabi ko, ‘Ma, ‘wag mo akong alalahanin. Okey lang ako rito,’” pagbubuko naman ni Sancho.
“‘Maghintay ka lang. ‘Wag kang pali-late. Saka parati mong introduce ang sarili mo sa mga artista na senior. ‘Wag mo aakalain na lahat eh kilala ka! Saka parati kang maging magalang. ‘Wag kang pasaway sa set!’” lagi namang paalala ng ina.
Viral star na si Zendee dati nang nakadikit kay Manny
May bagong album ang Internet sensation/viral star na si Zendee.
Remember Zendee? Siya ‘yung nakunan ng video na kumakanta ng karaoke sa mga mall na milyun-milyon ang nag-view sa YouTube. Laging Whitney Houston ang kinakanta niya hanggang napansin ng staff ng The Ellen Show ni Ellen DeGeneres.
At doon nagsimula ang lahat ng kanyang magandang kapalaran. “Para sa akin, ‘yun ang pinakamalaking break na nangyari sa buhay ko. After ng Ellen, sunud-sunod na ‘yung mga guestings ko,” pahayag niya nang makatsika namin sa launching ng kanyang first album under MCA Music titled Z.
Actually, bata pa lang ay talagang singer na si Zendee. Naalala niya, nine years old pa lang lagi na siyang pinakakanta ni Manny Pacquiao dahil magkapit-bahay sila sa GenSan. Kuwento niya, lagi siya nitong sinasama para kumanta sa pinupuntahan habang naghihintay ng tao sa kanyang maliliit na laban noon.
Ngayon sa tuwing magkikita sila ng boxing champion, ‘pag sinasabihan niyang bigyan naman siya ng raket, ang sagot sa kanya “mayaman ka na.”
Matagal-tagal din siyang nag-show sa Hawaii at kumita siya ng malaki roon.
Ngayon ay pinapirma siya ng kontrata ng MCA Music at may bago nga siyang album.
“Siyempre nakaka-proud (to be part of MCA Music)… Ang daming international and local artist na kilala under that label at isa ako run,” sabi ng 24-year-old na si Zendee.
Ngayon, more than ready siya sa kanyang new album at babalikan niya ang rock hard para sa kanyang first single na Run Wild.
“Naramdaman ko ‘yung pag-mature ng boses ko (on this track),” sabi niya.
Marami nang nag-viral na video si Zendee na ang pinaka-hit sa kasalukuyan ay ng Smule (app) duet with the Flashlight hitmaker Jessie J na umabot 5 million views. “Actually, hindi ko talaga in-expect na mag-va-viral ‘yun. Nakapambahay nga lang ako at nag-lipstick! Haha! Na-shock na lang talaga ako at ‘di ko in-expect na ganun ang magiging feedback ng mga tao.”
Anyway, Zendee’s new album Z is now out on digital downloads via Spinnr and iTunes and on CDs at Astroplus and Astrovision outlets. It can also be streamed via Spinnr, Apple Music, VEVO, Spotify, Deezer, Guvera, and Rdio.
For bookings and inquiries, please contact Sammy Samaniego of MCA Music Artist Management at +632 9162504 local 107, +639178565174 and +639209682991 or email sammy.samaniego@umusic.com or mcabookings@umusic.com.
Nanay ni Pastillas Girl nakilala rin bago napatay
Nakakatakot at nakakalungkot ang naging kapalaran ng nanay ng Pastillas Girl (Angelica Yap).
Hamakin mo nakunan ng CCTV nang barilin ito sa ulo habang kakain lang daw sana sa isang lugar sa Caloocan.
Nakilala maging ang napatay na ina ni Pastillas Girl dahil lumabas pa ito sa Showtime para ipagtanggol ang anak na naghahanap noon ng boyfriend sa show sa iba’t ibang bintang. Sana ay mahuli ang pumatay sa kanya.