4th Impact tanggal sa ‘X Factor UK’
MANILA, Philippines – Natapos na ang karera ng all-Pinay singing group 4th Impact matapos silang matanggal sa “X Factor UK” ngayong Lunes ng umaga.
Nagkaharap sa bottom two ang 4th Impact at si Lauren Murray kung saan sila nag sing-off.
Inawit ng mga Pinay ang “And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa musical Dreamgirls, habang ang “Visions of Love” ni Mariah Carey ang ibinirit ni Lauren.
Sa botohan ng judges ay pinili ni Simon Cowell at Cheryl Fernandez-Versini na matanggal si Lauren habang ang 4th Impact ang binotong matanggal nina Nick Grimshaw at Rita Ora.
Dahil sa pagkakatabla ay nauwi sa botohan ng mga manonood ang laban kung saan nanaig si Lauren na may mas maraming boto upang maligtas.
Ang 4th Impact ang ikasiyam na grupo na natanggal sa season 12 ng palabas.
Ayon sa mga ulat, hinimatay ang isa sa mga miyembro ng Pinay group na si Celina matapos matanggal sa palabas.
Thanks to all who voted for us why we reach this far.Celina is ok now thanks for your prayers and love - love u guys.Lets keep believing
— 4TH IMPACT (@4thImpactMusic) November 29, 2015
- Latest