Mga bagong rides sa Star City annex

MANILA, Philippines - Higit na pinalawak ang Star City sa pagbubukas ng open-air annex nito kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang rides para sa mga bata.

Bagaman kilala ang Star City bilang natatatanging all-weather theme park sa bansa, ang pagbubukas ng annex nito sa labas ay higit na kalulugan ng mga bisita, lalo na sa gusting sakyan ang Kiddie Wheel, Quack Quack, Tornado, Star Frisbee, at maglaro sa inflatable Fun City.

Sa mga bagong rides, tampok sa Road Race ang mga sasakyang pangarera na umiikot at nagpa-pop pataas-pababa.

Ang mini-pirate ship naman ay waring bangkang Viking sa pag-swing mula kaliwa hanggang kanan sa maximum na anggulong 60 degrees, kung saan pakiramdam ng sumakay ay waring nawalan ng timbang.

At ang Italian-made Music Express ay hawig sa Caterpillar ride, subali’t umaatras-abante siya na pabilis nang pabilis.

Para sa dagdag na kaalaman, makipag-ugnayan sa Star City bilang 832-324 or 333-3578.

 

Show comments