Diether Ocampo, balik trabaho

MANILA, Philippines - Dalawang taon na mula nang huling mapanood si Diether Ocampo sa telebisyon at ngayon ay balik-trabaho ang aktor. Masaya ang orihinal hunk sa dala­wang projects na kasalukuyan niyang ginagawa. Isa siya sa bida ng Wattpad Series na nag-premiere noong Lunes sa TV5.  

Ibang karakter ang ginagampanan ng aktor dahil isang romantic-comedy ang nasabing series.

Matatandaang bahagi sana si Diether ng ABS-CBN’s Somebody to Watch Over Me kasama si Judy Ann Santos pero hin­di muna ito natuloy dahil sa pagbubuntis ni Juday. Nananatili pa ring Star Magic talent si Diether kahit sa kabilang network ang kanyang trabaho ngayon, 

“In our time now, kung may trabahong dumating at kung maayos ang pag-uusap, walang magiging problema. Walang masa­mang tinapay sa akin. Kailangan lang mutual decision between the management and the artist,” sabi pa ni Diether.

Tinutuloy pa rin ni Diether ang kanyang basic entrepreneurship program sa De La Salle University at abala pa rin siya sa kanyang mga golf tournament for a cause. Isa sa kanyang recent project ay ang Ambassador’s cup na tumulong sa mga kabataan ng Manila Youth Reception Center.

AiAi endorser na rin ng bihon

Si AiAi delas Alas ang bagong endorser ng Hobe Bihon. Pumirma  ng kontrata ang comedy queen kasama ang president ng Hobe Bihon na si Bobby S. Co. 

Sunud-sunod Talaga ang blessings ng Comedy Queen. When it rains it pours talaga sa nangyayari sa career ni AiAi. 

There was a time na nagkaroon ng slight depression ang comedy queen dahil sa direction ng career niya. Pero when you have talents, you cannot really put someone down.

 

Show comments