MANILA, Philippines – Gaano ninyo pinahahalagahan ang balita? Handa ka na bang makipagtagisan ng galing at talino sa pinakaunang news quiz show para sa mga barangay?
Sumali at lumahok sa Barangay Utakan, isang natatanging programa tungkol sa ating mga nalalaman sa mga balita na mapapanood mula ngayong Linggo, November 29, 2015 sa TV5.
Ang Barangay Utakan ay isang kwelang programa ng Kapatid network na naglalayong hikayatin ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay na makisaya at ipakita ang kanilang angking talino at diskarte sa larangan ng pulitika, geograpiya, syensya, matematika at marami pang iba. Ang koponan mula sa barangay na higit na ma-utak o madiskarte ang mag-uuwi ng mga premyo o serbisyo na mapapakinabangan ng buong barangay.
Sama-samang maghahatid ng saya at katuturan sa inyong mga tahanan ang quiz masters ng show – tatlo sa pinakasikat na mga nangungunang personalidad sa telebisyon, radyo at online ngayon na sina Ramon Bautista, Bayaw Jun Sabayton at Lourd de Veyra. Muli nating buhayin ang simulain ng bayanihan sa ating komunidad.
Huwag palalampasin ang unang brodkast ng Barangay Utakan ngayong Linggo, Nobyembre 29.
Para makakuha ng updates, bisitahin ang kanilang facebook account, https://www.facebook.com/Barangay Utakan.