MANILA, Philippines – Isa nang Kapamilya si Elmo Magalona matapos pumirma ng kontrata ngayong Huwebes sa ABS-CBN.
Sinabi ng 21-anyos na singer at actor na hindi naging madali ang pag-iwan niya sa GMA 7 ngunit naging maayos naman ito.
"No bad vibes," sabi ni Elmo. "It wasn't easy but I wanted to try something new."
Sinundan ni Elmo ang yapak ng kaniyang ate na si Maxene Magalona na nagsimula rin sa Kapuso network.
Nag-click ang love team nina Elmo at Julie Anne San Jose ngunit kalaunan ay siya sa kaniyang girlfriend na si Janine Gutierrez.
Sa paglipat naman niya sa ABS-CBN ay makakasama ni Elmo si Janella Salvador para sa kaniyang unang proyekto.
"It's a new adventure, it's a new challenge," banggit ng anak ng namayapa nang rapper Francis Magalona. "I'm always game for any challenge and new adventure."