Mga anak ni Carlo J. maasahan na sa pagdidirek

Maipagkakapuri ni direk Carlo J. Caparas ang dalawa niyang nakatatandang anak na sina CJ at Peach Caparas. Bukod sa hindi nawawala ang pagtutuon ng dalawa sa kanilang pag-aaral, nagagawa pa ng mga ito na i-pursue ang kanilang showbiz career bilang artista. Parehong may mahalagang roles ang dalawa sa comeback movie ni direk Carlo na Angela Markado na unang pinagtambalan nina direktor Lino Brocka at ng mahusay na aktres na si Hilda Koronel maraming taon na ang nakakaraan.

Ang sumulat ng kuwento na si Carlo J. ang direktor ng remake ng pelikula ngayon at ang napili niyang aktres na gumanap ng role ay si Andi Eigenman. Nagsilbing assistant ni direk Carlo sa paggawa ng movie ang anak niyang babae na si Peach. Ang anak niyang lalaki na si CJ naman ay isa sa limang rapist ni Andi na pinakabaguhan sa lima (Paolo Contis, Polo Ravales, Epi Quizon, Felix Roco), pero pinagkatiwalaan ng kanyang ama na mabigyan ng separate rape scene.

Inamin ni Andi na hindi niya napanood ang orihinal na pelikula, pero mabuti na rin daw at baka kung nakita niya ang performance ni Hilda ay masira pa niya ang ginawa nito. Dumepende na lamang siya sa sitwasyon na mangyayari at sa guidance ni direk Carlo para sa nasabing eksena.

Sinabi ni Caparas na kung pinaiyak ni Hilda ang mga manonood sa nasabing eksena, galit at simpatiya ang ibibigay ni Andi.

Mapapanood na ang Angela Markado na prodyus ng Oro de Siete Films at ipamamahagi ng Viva Films sa Disyembre 2 .

Paghahanap ng anak ni Dawn humahakot na ng manonood

Umaagaw na ng pansin ang You’re My Home sa mga teleserye ng Kapamilya Network na napapanood gabi-gabi. Gustung-gusto ng manonood na tuluyan nang magkakaharap ang umaangkin sa character ng nawalang si Vince na ginagampanan ni Paul Salas, ang tunay niyang pamilya (Dawn Zulueta, Richard Gomez, Jessy Mendiola) at ang babaeng kumidnap sa kanya na buong galing na naipo-portray ni Assunta de Rossi para magkaalaman na kung bakit at paano nakuha ang binata.

Hindi pangkaraniwan ang takbo ng istorya ng You’re My Home kaya umaagaw ito ng manonood sa mga kalabang serye at baka makaagaw pa sa popularidad ng Pangako Sa ‘Yo na naging exciting na rin dahil sa panibagong kuwento na pinasasaya naman ni Sue Ramirez.

Sana makatulong din sa On The Wings of Love ang pagpasok ng isang bagong manliligaw ni Lea (Nadine Lustre) na si Paulo Avelino.

QC Pride March baka mag-ala APEC Summit

Magiging mas masaya at pakaaabangan ang pagdaraos ng 2nd QC Pride March na magaganap sa Disyembre 5 kung magagawan talaga ng paraan ng mga LGBT community at maging ng mga pasimuno ng kasiyahan na pinamumunuan ni EJ Ulanday mula sa Office of Mayor Herbert Bautista kung hindi nila pagdurusahin ang mga tao sa kanilang pagdaraanan. Gaano man kalinis at kaganda ang intensyon ng mga taga-LGBT na magkaroon ng kasayahan sa kanilang taunang pagsasama-sama na may temang Magkakaiba at Nagkakaisa, sa taong ito ay mapupulaan na tulad ng sa katatapos na APEC Summit kapag naapektuhan ang mga tao. Ilang mga grupo hindi lamang sa Quezon City kundi maging sa ibang lungsod ng bansa ang lalahok sa Pride March at maging sa pride program na magbibigay ng award sa mga competition winners.

Dawn susubukan kay Piolo

Magandang balita ‘yung nakatakdang pagsasama sa isang proyekto nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta. I’m sure hindi naman ito makakaapekto sa tambalang CharDawn bagkus ay makakatulong pa nang malaki sa individual growth ni Dawn bilang aktres. Nakakalungkot lang dahil magaganap ito makatapos ang teleserye ni Piolo na Written In Our Stars kaya medyo matatagalan pa.

Show comments