TINGNAN: John Lloyd, Bea sa premiere ng 'A Second Chance'

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Halos isang dekada ang hinintay ng fans ng “One More Chance” bago ito nasundan.

Palabas na ngayon sa higit 220 sinehan sa bansa ang sequel ng sinasabing “original hugot film” na “A Second Chance” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kagabi isinagawa ang premiere night ng pelikulang dinirek ni Cathy Garcia-Molina sa SM Megamall kung saan pinagkaguluhan sina John Lloyd at Bea.

Dumating din ang iba pang kapamilya stars na sina Maja Salvador, na kasama sa One More Chance, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil.

Narito ang mga larawan:

 

 

 

Photos by Efigenio Toledo IV

Show comments