MANILA, Philippines – Emosyonal ang kasalang Nikki Gil at BJ Albert na ginawa sa Sta. Elena Country Golf Club sa Laguna nitong Sabado.
Sa video na ginawa ng sikat na wedding videographer na si Jason Magbanua ay nakita kung paano naging emosyonal si BJ nang makitang naglalakad sa aisle si Nikki.
“God gave me exactly what I wanted: someone beautiful inside and out. God gave me exactly what I needed: someone who puts Him first and reminds me to do the same,” wika ni BJ sa kanilang exchange of vows.
“…Rest assured that I'll still love you every day, until we're old and grey,” sagot naman ng Kapamilya star.
Si Johnoy Danao ang nagsulat at umawit ng kantang ginamit sa video.