Muli na naman lumitaw ang pagiging matulungin ni Gerald Anderson sa pagtatayo niya ng isang foundation na magtataguyod ng kanyang advocacy na makatulong sa panahon ng emergency sa pamamagitan ng mga aso.
Pass muna siya sa kanyang trabaho at pinagkakakitaan, inilagay muna niya ito on hold para lamang maitayo na ang matagal na niyang balak na canine search and rescue.
Sa rami ng kalamidad na kinakaharap ng ating bansa mapapakinabangan ng aktor ang kanyang pagmamahal sa mga aso.
Gagawin niya ang kanyang advocacy hindi lamang sa lokal kundi aabot hanggang sa mga karatig bansa natin sa Asya, at kung makakaya niya, ay sa buong mundo.
Kapag may nawalang tao sa oras ng kalamidad, tutulong sila sa pamahalaan at ibang organisasyon sa paghahanap sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang private non-profit organization.
Matatandaan na minsan sa isang panahon ng pagbaha ay tumulong si Gerald at ang kanyang mga kaibigan sa pagsagip sa mga tao na inabot ng malaking pagbaha at kinailangang lumabas ng kanilang mga bahay para magtungo sa mga evacuation center at dun sa mga naipit ng baha sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga bahay.
Hindi madali ang bumuo ng isang canine search and rescue team. Hindi lamang mga mamahalin ang mga aso na kailangang gamitin sa ganitong paghahanap sa mga nawawala at lalong nangangailangan ng mahabang training hindi lamang ng mga aso kundi maging sa mga tao na gagawa ng ganitong mahirap na tungkulin. Pero, buo ang loob ni Gerald na mabuo ang kanyang foundation sa pagtatapos ng 2015.
Star nina Maine, Jake at Buboy sa Walk of Fame, si Kuya Germs ang may gusto
Hindi lamang naman si Maine Mendoza ang kinu-kwestyon ng marami dahil napasama agad sa Walk of Fame Philippines. Choice siya ni Kuya Germs na siyang mag-isang nagtataguyod ng naturang proyekto sa Eastwood City kasama ang kanyang godmother.
Pinagtataasan din ng kilay ng marami ang maagang pagkakasama ng alaga ni Kuya Germs na si Jake Vargas at ang isa pa ring batang artista na si Buboy Villar. Mas marami raw deserving na nakatatanda. But then, again, project ang Walk of Fame Philippines ni Kuya Germs. Pwede niyang bigyan ng star ang sino mang gustuhin niya ng walang approval ng sino man.
Richard graduate na sa pagpapakilig
Bagaman at medyo may agam-agam si Richard Yap na gumanap ng kontrabida sa Ang Probinsyano, wala siyang choice kundi ibalik ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng mga bossing niya sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng kotrabida role sa maututuring na highest rated teleserye ngayon.
Kung tinanggap siya ng manonood sa dalawang taong pagpapa-cute niya sa Be Careful With My Heart, kailangang makumbinse niya sila na maari rin siyang maging isang epektibong kontrabida.
He’s in good hands naman dahil mismong si Albert Martinez ang nagbibigay sa kanya ng tips para mapaganda ang kanyang performance at mapatunayan na pwede siya sa ibang roles bukod sa pagpapakilig sa mga manonood.