Jennylyn at Echo hindi mabilang ang tukaan sa pelikula

Mukhang pakikiligin ang mga manonood ng Walang Fore­ver nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales. Sinabi ng Kapuso actress na enjoy siyang makatrabaho ang Ka­pamilya actor dahil sobrang bait daw nito at napakamaalalahanin.

Hindi mabibilang ang dami ng kissing scene nila sa pelikula, pero hindi siya namroblema dahil nga gentleman ang kapareha niya.

Les Misérables at Miss Saigon siguradong dudumugin sa ‘Pinas dahil kay Rachelle Ann

Siguradong dudumugin ang gagawing Asian Tour ng Les Misérables kapag napunta ito sa bansa dahil Pinay ang bida na si Rachelle Ann Go. Siyempre, proud tayo sa kanya, noh! Baka dalhin din dito ang Miss Saigon na si Rachelle rin ang gaganap na Gigi.

Show comments