Diether hindi na namimili ng trabaho

Walang proyekto sa ABS-CBN ngayon si Diether Ocampo kaya nagkaroon ang aktor ng pagkakataon na makapagtrabaho sa TV5. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makagagawa ang aktor ng proyekto sa nasabing TV station pero nasa pangangalaga pa rin siya ng Star Magic ng Kapamilya network.

“I was very happy when this offer came. It’s a good opportunity for me, hindi ko ‘yon pwedeng palampasin,” dagdag ng aktor.

May bulung-bulungan ngayon na nagpaplano na raw si Diether na lumipat ng bakuran dahil sa pangyayaring ito. “’Yung paglipat, if ever, depende ‘yon sa offer. Tapos siyempre, pag-uusapan muna namin ‘yon ng Star Magic. But now, wala pa namang gano’n. Sa panahon ngayon kung may alok na trabaho, tanggap lang nang tanggap. Walang masamang tinapay diyan. I don’t think magiging problema ‘yon kahit pa may existing project akong ginagawa sa ABS-CBN,” giit ng aktor.

Sharlene nahihiya kay Piolo

Kabilang si Sharlene San Pedro sa teleser­yeng Written in Our Stars na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Sam Milby, Jolina Magdangal, at Piolo Pascual. Malaking karangalan daw para kay Sharlene na makasama sa isang malaking proyekto ang nasabing cast. “Sobrang masaya kasi bagong experience and to work with them parang privilege naman na makatrabaho sila,” bungad ni Sharlene.

Aminado ang teen star na na-starstruck siya kay Piolo na kapatid niya sa nasabing soap opera. Nahihiya raw ang dalagita sa tuwing nakakasama si Piolo. “Nahihiya pa rin ako, parang pumapasok pa rin sa utak ko na ‘Wow! Piolo Pascual na ‘to. Ibang klase na ‘to,’” kwento ni Sharlene.

Maraming mga bagay na rin daw ang natutunan ng aktres mula kay Piolo. “Nakita ko ‘yung passion niya sa trabaho niya. Kung paano siya napaka-de­dicated, parang pwede ko ‘yung gawin na mai-apply sa pag-a-artista,” pagbabahagi pa niya.

Sa show business na nagdalaga si Sharlene kaya marami na rin siyang natutunan dito bilang isang aktres. “Depende ‘yon sa role eh, pati sa edad. Dapat naka-base ‘yon sa edad mo. Dapat habang tumatanda ka, naggo-grow ka lalo na sa acting pati sa pag-uugali,” pagtatapos ni Sharlene.

Show comments