Kaya naghiwalay Rocco ginalaw ang perang inipon nila ni Lovi?!
Kahit wala pang inaamin ni ano man ang magdyowang Rocco Nacino at Lovi Poe, tinatanggap na ng marami nilang fans at followers na sa hiwalayan ang kapalaran ng kanilang relasyon.
Ewan kung totoo pero, nababalitang may iba nang nagugustuhang non-showbiz ang aktor (ang dali naman!) na wala pang nakikitang reaksyon mula sa aktres at nagagawang ipagtanggol pa si Rocco sa mga bashers nito sa pamamagitan ng pagsasabing mabuting tao ang binata at humihingi ng pang-unawa na gusto niyang gawin munang pribado ang lahat sa kanilang dalawa.
Pero, totoo kayang may joint account ang dalawa na sinasabing nilulustay daw ng aktor? Bakit sila nagpasyang gumawa nito gayung hindi sila sigurado pa sa kanilang relasyon? Tsk. Tsk. Tsk.
Pokwang favorite pa rin ni Kris
Nadagdagan na naman ang cast ng All You Need Is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Bukod kina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Bimby Yap, at ang dalawang babaeng apo ni Charo Santos-Concio na siguro ay gaganap bilang anak nina Kris at Derek, isinama na rin sa cast si Pokwang na isa na ring paborito ng presidential sister.
- Latest