^

PSN Showbiz

Napagkamalang kinukulam aktres pinapatakan ng kandila ang tiyan at braso ng nanay ‘pag tumataba

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Makinis ang isang female personality. Flawless talaga siya. Komento ng marami ay nunal lang ang dumi niya sa katawan. Pero nito na lang pala ‘yun dahil dati’y maraming patse-patse sa tiyan at braso ang magandang aktres.

Hindi niya kagagawan ‘yun, mai­ngat siya sa kanyang kutis, napakatagal niyang magbanyo dahil sangkatutak din ang seremonya na ginagawa niya para mapanatiling makinis at malasutla ang kanyang balat.

‘Yun ang matinding pin­roblema ng babaeng per­sonalidad nu’ng nagsisimula pa lang siya sa pag-aartista, tukso naman ng mga tukso, dahil nalinya pa siya sa pagpapaseksi.

Marami siyang pinuntahang clinic para matugunan ang mga patse-patse niya sa braso at tiyan, kung anu-anong ointment ang ginagamit niya, umiinom din siya ng gamot na pampakinis ng kutis.

Nawala ang pamumula-pangingitim, pero may marka pa rin ‘yun ng nakaraan, heto ang litanya ng aming source tungkol sa kuwento sa likod ng mga naging dumi sa balat ng maganda at nagpapaseksing aktres nu’n.

“Mapagpaniwala kasi sa kung anu-ano ang mommy niya. Nagpupunta pa ‘yun sa iba-ibang bundok, nandu’n daw kasi ang magagaling na manggagamot, mahilig maniwala sa superstition ang mommy niya.

“Nu’ng medyo tumataba ang girl, pinapatakan siya ng kandila ng mommy niya sa tiyan niya, saka sa braso. May nagpapakulam daw kasi sa kanya, pinaglalaruan daw siya, kaya siya tumataba.

“Para wala nang away, pumapayag naman ang bagets pang girl nu’n. Ang ending, peklat ang iniwan sa kanya ng mga patak ng kandila. Maraming peklat sa braso niya at tiyan.

“Namantsahan tuloy ang flawless niyang balat, may mga nagmarka, kaya nu’ng sinuwerte siyang magkaroon ng mga pelikulang katawan niya ang puhunan, kinarir niya ang pagpapakinis,” kuwento ng aming source.

Hindi na kutis ang pinoproblema ngayon ng aktres, ang puso na niya, dahil iniwan na siya ng lalaking minahal niya nang bonggang-bongga.

Ubos!

Kris hindi maka-shopping ng kahihiyan

Wala naman kasing shop na mapagbilihan ng kahihiyan. Lalong hindi tinatakal sa palengke ang kahihiyan na dapat ay meron tayo. Dahil kung meron ay siguradong maraming bibili para maipangregalo kay Kris Aquino.

Unang-una nang mamamakyaw nu’n ang mga kababayan nating pinagmumumura siya ngayon sa social media dahil sa isa na namang kahitarang ginawa niya.

Quits na raw siya at ang mga motorista at mananakay na nagdusa nu’ng nakaraang APEC Summit dahil sa sunburn na nakuha niya sa pagsusuot ng gown kung saan nakalantad ang kanyang mga braso at likuran.

Buong-ningning pang ipinost ‘yun ni Kris sa kanyang IG account, kuwentas-klaras na raw sila ngayon ng mga kababayan nating nagsakripisyo sa pagsasa­rado ng mga kal­ye nu’ng APEC, kaya walkathon ang lahat nu’n.

Kundi ba naman talagang mismong si Kris na ang nang-iimbita sa mga Pinoy na lait-laitin siya, sumbatan at halos ingud­ngod na sa sahig, dahil sa kahitaran niyang pagkukumpara.

Palaging isinasangkalan ni Kris at ng kanyang kuyang presidente ang mga ginintuang-aral na iniwanan ng kanilang ina. Bukambibig na nila ang linyang “Sabi ng aking ina nu’ng nabubuhay pa, blah-blah-blah-blah!”

Tanong ng ating mga kababayan, sa dinami-dami ng mga leksiyon ng buhay na itinuro ng kanilang namayapang ina ay hindi kaya nakasali du’n ang pag-iwas sa pagbibigay ng kahihiyan sa kanilang pamilya?

Itinuro rin kaya ‘yun kay Kris o nakaligtaan ng kanyang mommy? Ang tao raw, basta may kahihiyan, ay taong-tao na.

Ikumpara ba ang buong-ningning niyang pagrampa sa Fort Santiago kasama ang mga misis ng mga leader ng iba’t ibang bansa sa todong penitensiyang nangyari sa buhay ng ating mga kababayang naapektuhan ng APEC Summit?

Haaaayyyy, naku!

ACIRC

ANG

BUKAMBIBIG

BUONG

DAHIL

FORT SANTIAGO

KRIS AQUINO

MGA

NIYA

SIYA

YUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with