Kris posibleng nabuyo lang ng mga kapatid na mag-sorry
Nag-apologize na kahapon si Kris Aquino tungkol sa kanyang not funny sunburn joke at hindi ako na-shock dahil expected na ‘yon ang gagawin niya para matigil na ang mga pang-ookray ng sambayanang Pilipino.
Hindi ko kailangan na maging mahusay na manghuhula dahil matagal ko nang kilala si Kris kaya alam na alam ko na ang moves na gagawin niya, hihingi siya ng paumanhin tulad ng kanyang nakasanayan na
gawin kapag nasasangkot sa mga kontrobersya at eskandalo na siya rin ang may kagagawan at dapat sisihin.
Puwedeng ang kanyang mga kapatid na babae ang nag-convince kay Kris para mag-sorry dahil napaka-insensitive naman talaga ng kanyang biro na siya lang yata ang natawa.
Aktor na laos na, nag-feeling pagkakaguluhan ng press
Has been na has been ang projection ng isang comebacking actor na matagal na hindi naging aktibo sa pelikula at telebisyon.
At bilang has been na ang aktor, hindi nainsulto ang mga reporter sa kanyang drama na hindi na siya sasalang sa one-on-one interview.
Ikinatuwa pa nga ng mga reporter ang drama ng aktor dahil may ibang lakad pa sila na mas productive kesa makipag-eklayan sa kanya.
Alfred bibiyaheng Ilocos para makiramay kay Cong. Fariñas
Bibiyahe ngayon si Alfred Vargas sa Ilocos Norte para personal na makiramay sa kanyang kasamahan sa Kongreso, si Congressman Rudy Fariñas na namatayan ng anak noong November 15.
Nauna nang nakiramay kahapon sa Fariñas family si House Speaker Sonny Belmonte.
Namatay sa isang motorcycle accident ang anak ni Congressman Fariñas at Ma. Theresa Carlson at bukas siya ihahatid sa kanyang huling hantungan.
GMA looking forward maka-party ang showbiz press
Ang bilis talaga ng panahon dahil parang kailan lang nang mag-imbita ang GMA Network Inc. para sa kanilang annual Christmas party sa entertainment press.
Nag-iimbita na uli ang Kapuso Network para sa Christmas party nila para sa entertainment media at magaganap ito sa December 9.
Sa mga television network, ang Kapuso station ang unang nag-imbita at always looking forward ang showbiz press sa Christmas party ng GMA 7 dahil ramdam na ramdam talaga nila ang nalalapit na Kapaskuhan.
Enrique Nieto at Justin Trudeau, sa ‘Pinas lang pinagkakaguluhan, kinabubuwisitan ng mga kababayan
Hindi pala happy ang Mexican people sa obsession ng mga Pinoy sa kanilang presidente na si Enrique Nieto dahil hindi sila maligaya sa pamamalakad ng pangulo na parang artista na pinagkaguluhan sa APEC Summit.
Parang si P-Noy lang si Nieto na isinasangkot sa sari-saring isyu at kontrobersya sa kanyang bansa. Dedma ang obsessed Pinoy fans sa pagkaimbudo ng mga Mexicano dahil ang physical appearance ni Nieto ang basehan ng kanilang paghanga at hindi ang performance niya bilang pangulo ng Mexico.
Hindi rin ligtas sa mga kritisismo ang another APEC hottie, si Justin Trudeau, ang Prime Minister ng Canada. Kauupo pa lamang ni Trudeau sa puwesto pero hinuhusgahan na rin ng mga kababayan niya ang kanyang performance. Thankless job talaga ang maging lider ng isang bansa dahil hindi nawawalan ng mga sasabihin ang detractors nila.
- Latest