Dahil sa hugot songs Alyssa Angeles parang marami nang experience sa pag-ibig

MANILA, Philippines – Seven years old lang si Alyssa Angeles nang malaman niya ang talent sa pagkanta. Pinaka-iniidolo raw niya ang galing sa pagkanta nina Sarah Geronimo at Ariana Grande.

Ngayon nga ay 18 years old na si Alyssa na nung bata pa ay minentor siya ng Master Songwriter na si Ryan Ca­yabyab.

Umapir na rin ang dalaga sa ilang indie films at maging sa pelikulang Enteng Kabisote: Ang Agimat at Ako at nag-guest na rin sa Radyo ng Bayan kung saan kumanta siya sa national TV via Net 25’s Letters and Music, PTV’s Good Morning Boss at ilang live performance sa Maynila ng GMA 7.

No wonder na sobrang saya ni Alyssa sa very first album niyang Alyssa: Falling In Love na tungkol pala sa trials and struggles ng babaeng in love.

‘Pag napakinggan mo nga ang carrier single ni Alyssa na Lihim, eh hindi mo aakalaing wala pa siyang experiences sa pag-ibig dahil sa tindi ng hugot ng kantang ito.

Karamihan ay original ang mga kanta sa album ni Alyssa na isinulat nina Jessa Mae Gabon, Popsie Saturno-San Pedro, Garry Cruz and the master writer himself Vehnee Saturno, na nagsulat ng isa sa kanyang mga single na Still Crazy.

In addition to her originals, gumawa rin si Alyssa ng sarili niyang version ng Joey Albert hit na Ikaw Lang ang Mamahalin which is a song that is very fitting to her vocal range.

Ang iba pang mga kanta na nakapaloob sa album ni Alyssa ay ang Fireflies, Crush Me and Don’t You Know na may tonong talaga naman nakakapagpaindak.

Distributed exclusively by Synergy Music and is available in record bars nationwide ang album ni Alyssa na Alyssa: Falling In Love. Available rin ito sa digital downloads ng iTunes at Spotify.

Show comments