JM ayaw nang tulungan ang sarili
Marami ang nanghihinayang sa mahusay na actor na si JM de Guzman na mukhang hindi pa rin talaga nakabawi magmula nang siya’y ma-rehab a couple of years back na may kinalaman sa droga.
Kung tutuusin, naging matagumpay ang pagbabalik-showbiz ni JM dahil naging malaking hit sa takilya ang comeback (indie) movie niyang That Thing Called Tadhana na pinagtambalan nila ni Angelica Pangilinan at nabigyan din siya agad ng bagong teleserye ng ABS-CBN na All Of Me. Higit sa lahat, nakipagbalikan sa kanya ang kanyang ex-GF na si Jessy Mendiola na nauwi rin sa kanilang muling paghihiwalay.
Hangga’t hindi inaayos ni JM ang kanyang sarili, mahihirapan siyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
Walang ibang makakatulong kay JM kundi ang sarili niya mismo.
Alonzo pahinga muna sa pagiging Kapamilya, gagawin ang Panday sa TV5
Since wala pang bagong project si Alonzo Muhlach sa Kapamilya Network kung saan niya ginawa ang dalawang serye na Inday Bote na pinagbidahan ni Alex Gonzaga at Wansapanataym Presents: Yamishita Treasures na tinampukan nina Coco Martin at Julia Montes, gagawa muna siya ng TV series sa TV5. Ito ang TV remake ng Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Kahit walang exclusive contract si Alonzo sa ABS-CBN, he considers himself a Kapamilya.
Nasanay na si Alonzo na parating may ginagawa kaya nagtatanong siya kung kelan siya magti-taping. Si Alonzo ay isa sa mga tampok sa horror-comedy movie na Wang Fam na showing ngayon sa mga sinehan. Tinatapos din nito ngayon ang pang-MMFF (Metro Manila Film Festival) ng Star Cinema na Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin kasama ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.
Child Haus ni Mother Ricky pelikula na
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang beauty czar na si Mader Ricky Reyes na gagawing pelikula ang kanyang ipinatayong Child Haus, ang tahanan ng mga batang may sakit na kanser.
Si Direk Louie Ignacio ang nag-direk ng Child Haus na produced ni Baby Go mula sa script ni Socorro Villanueva na tinatampukan ng mga child actors na sina Miggs Cuaderno, Mona Louise Rey, Therese Malvar, Vincent Magbanua, Erika Yuson, Felixia Dizon kasama sina Katrina Halili, Leni Santos, Christopher Roxas, Ina Feleo, at Tabs Sumulong at special participation ni Mader Ricky.
Nakatakdang magkaroon ng premiere night ang Child Haus sa darating na November 28 sa Cinema 6 ng SM Megamall.
Nagpapasalamat si Mader Ricky sa mga tao (showiz and non-showbiz) na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa Child Haus lalung-lalo na si G. Hans Sy (ng SM Group of Companies) na siyang nag-donate ng tahanan ngayon ng mga batang cancer patients at maging sa ipinatatayo na ngayong six-storey building across Philippine General Hospital sa Maynila para sa mas maraming cancer patients na nagmumula pa sa iba’t ibang probinsiya for treatment sa PGH.
- Latest