May noontime teleserye na rin ang kabila at hanga ako sa ipinamamalas nilang tatag para makasabay sa Eat Bulaga. Siyempre, kailangan nila palaging on their toes para makahanap ng tamang segment at artista na pwede nilang ipantapat sa kalyeserye ng EB hindi lamang dahil sa Aldub kundi magaing sa tatlong lola para hindi mapag-iwanan nang husto.
Kapag hindi gumana ang segment nila, eh ‘di hanap muli ng bago. At sino ang makapagsasabi, baka makakita rin sila ng papatok sa publiko.
Kris bidang-bida sa APEC
Hindi na-bore si Kris Aquino sa ibinigay na task sa kanilang magkakapatid na babae ni Pres. Noynoy Aquino sa APEC. Paano ba naman, meron palang mga hottie na lider ng ilang bansa na dumalo sa nasabing event tulad ng Mexican president na si Enrique Peña Nieto at Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau.
Hindi lamang naman ang presidentIal sister ang aliw sa looks ng dalawang lider ng bansa kundi maging ang buong sambayanan din. Hindi man guwapo, marami ang humanga kay U.S. Pres. Barack Obama sa ginawa niyang pagmo-moderate sa isang tsikahan kung saan ay nagbida ang isang Pinay na imbentor na malamang makakuha ng suportang pinansyal para mapalaganap ang kanyang imbensyong makakapagpailaw ng isang lampara sa pamamagitan lang ng tubig dagat. Siya ang dapat nating hangaan at palakpakan.
Kris napapasarap ang adobo dahil kay Lucho
Masarap siguro ang ibinebentang adobo ni Kris Bernal. Inspirado kasi siya habang niluluto ito. Ang nagbibigay nga ba ng inspirasyon sa kanya ay ang panliligaw ni Lucho Ayala. Hindi pa naman lumalampas sa ligawan ang dalawa, pero hindi rin nababasted ang binata. Kumbaga, habang hindi siya pinatitigil ni Kris ay naroon ang pag-asa na mapasagot niya ito.
Basta hinahayaan lang siya ni Kris na iparamdam ang kanyang pagmamahal dito.
Kaya, good luck Lucho. Magtiyaga ka lang. And don’t forget na kumain ng adobo ni Kris.