Bossing Vic magiging abala sa kampanya ng anak!
MANILA, Philippines – Hindi man kandidato si Vic Sotto, tiyak magiging abala siya sa election next year dahil sa anak niyang si Vico Sotto na kandidatong Councilor sa District 1 ng Pasig. Nasa line up si Vico ni Pasig City congressional candidate Mons Romulo.
Actually ayon sa isang friend, may ibang parties na nag-alok kay Vico pero he chose to run under the team of Mons dahil naniniwala siya sa malinis na pangalan at integrity ng mga Romulo sa government service.
Besides, kaibigan ni Ms. Mons ang mother ni Vico na si Ms. Coney Reyes.
Kamakailan ay nag-dinner sina Bossing Vic, Coney, and Vico sa bahay ni Ms. Mons with her parents Bert and Lovely, Shalani and Roman.
So alam na natin kung makikitang nag-iikot si Bossing Vic sa Pasig.
APEC hottie tuloy ang hataw sa twitter
Si Kris Aquino ang pinakamaligaya sa ginanap na APEC sa bansa. Ang rason hindi man niya sabihin, successful ang kanyang pictorial with the leaders ng iba’t ibang bansa at kani-kanilang mga asawa na naka-post sa kanyang social media accounts. Napaligiran din siya ng mga bilyonaryo at mayayaman sa bansa.
Kaya lang, fail ang kanyang selfie with President Obama dahil malabo ang kuha niya pero obvious na nakangiti ang president ng Amerika na nahuli raw siyang nagsi-selfie.
Samantala, tuloy ang pagte-trending hanggang kahapon sa Twitter ng APEC hottie na ibinalita ng Reuters.
Ayon sa balita ng Reuters : While leaders of Pacific rim nations discussed trade and economy issues at a meeting in the Philippines this week, netizens of the host country had a debate of their own: who is the handsome ‘hottie’ of the summit?
A Twitter poll with the hashtag #APEChottie, one of the most trending on social media, pitted new Canadian Prime Minister Justin Trudeau against Mexican President Enrique Peña Nieto for the most good-looking leader at the Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Nakakalokah ‘di ba? Mas abala talaga ang mga tao sa Pilipinas sa hitsura ng mga leader ng ibang bansa kesa sa magiging epekto ng APEC sa ordinaryong tao.
Buy now, die later makikipagsabayan sa MMFF
Pasiklaban sa pagpapatawa, pagpapatili, at pananakot ang ensemble cast ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Buy Now, Die Later! – Vhong Navarro, John “Sweet” Lapus, Rayver Cruz, Alex Gonzaga, Janine Gutierrez, at Lotlot de Leon.
Kuwento ng misteryo, kababalaghanm, at psychological thriller ang pelikula dahil umiikot ito sa limang pandama o senses ng isang tao – paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, pandamdam.
Nakipagkasundo sila sa isang mahiwagang tao na may-ari ng isang curio shop na nagtitinda ng eclectic items mula sa ordinaryo hanggang sa hindi pangkaraniwan. Bawat bilhin ng tauhan sa istorya ay may kapalit na kabayaran.
First time silang nagsama-sama sa MMFF entry ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films. Ang mga nasabing production din ang nasa likod ng isa pang filmfest entry na Walang Forever na pinagbibidahan naman nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales at ang 2014 surprise blockbuster na English Only, Please.
Kaya naman nagpramis ang buong cast ng Buy Now, Die Later na hindi ordinaryong horror-comedy film ito.
Kilala na bilang Prince of Horror-Comedy Film si Vhong na bentang-benta sa pananakot at pagpapatawa.
Eh si Sweet, lutang na lutang sa komedya sa role nila.
Klik na klik naman ang kakikayan ni Alex lalo na sa eksenang pinagaganda ang boses niya habang kumakanta. Si Rayver naman ay misteryoso ang dating at nag-aral pa siya ng Culinary Arts para sa pelikula.
At si Janine bilang batang Lotlot na kuhang-kuha raw ang kabaliwan ng ina sa sariling eksena!
Mula sa direksyon ni Randolph Longjas, ang Buy Now, Die Later ay idinirek din ng director ng comic indie film na Ang Turkey Man ay Pabo Rin.
Para sa ilan pang impormasyon sa horror-comedy of the year, i-follow ang BNDL sa Facebook – www.facebook.com/BuyNowDieLater; YouTube – www.youtube.com/user/QuantumFilmsProdn; Twitter: BuyNowDieLater; Instagram: @buynowdielater.
- Latest