MANILA, Philippines – Tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang simula ng pagpapakitang gilas ng Pinoy kids sa pagsayaw dahil humataw agad sa ratings ang unang episodes ng Dance Kids, ang kauna-unahang dance competition for kids sa telebisyon.
Base sa datos ng Kantar Media, nagtala ang programa ng national TV rating na 32.4% noong Sabado (Nov. 14). Wagi rin ang Dance Kids noong Linggo (Nov 15) kung kailan ito nagtamo ng national TV rating na 28.4%.
Nasaksihan na ang husay at galing ng dance artists na sumalang sa try outs, ang unang stage ng kumpetisyon kung saan sasalain sila ng Dance Masters ng programa na sina Georcelle Dapat-Sy, Andy Alviz, at Vhong Navarro.
Pasok na rito ang trio na Higher Level Kids, dance sport duo na Step Kids, Tahitian group na Aloha Girls, young heartthrobs na Maximum Groovers, ang taekwondo duo na Richlie and Daniel, at ang solo dance artists na sina Matt at Joren matapos silang bigyan ng unanimous decision o tatlong “stomps” ng Dance Masters.
Para naman pormal na buksan ang programa noong Sabado (Nov. 14), nagpakitang gilas din sina Teacher Georcelle, Sir Andy, at Vhong ng kanilang signature dance moves sa kanilang opening number na nagbigay-pugay sa mga kinalakihang larong kalye ng mga Pilipino.
Subaybayan ang Dance Kids tuwing Sabado, 6:15PM at tuwing Linggo, 6PM.