MANILA, Philippines – Hindi pa rin makapaniwala ang The Voice of the Philippines season 2 champion na si Jason Dy sa big moment na dumating sa kanyang buhay.
“Wala na akong narinig. Wala na akong nakita. Everything happened so fast.” Ani Jason sa natupad na pangarap.
Nagsimulang kumanta si Jason sa edad na apat na taong gulang lang. Nang siya naman ay pitong taon na, nagsimula na si Jason na mag-voice lesson at naging pambato sa mga singing contest sa eskwelahan.
Pero hindi pala naging madali para kay Jason na tuparin ang kanyang unang pangarap. Naging challenge para sa isang mang-aawit ang pagkahilig din sa pagluluto at mangarap maging isang chef.
Growing up, nagkaroon si Jason ng side job bilang isang miyembro ng harana service, iyong kakanta ka para sa manliligaw. Hindi sukat akalain ni Jason na ang pagiging maghaharana niya pala ay naging isang training ground sa career na magpapabago ng kanyang buhay.
Naging fan si Jason sa U.S. reality show na The Voice, kuwento pa niya, “Na-excite talaga ako sa concept at winish ko talaga na magkaroon ng Philippine version nito (ng The Voice).”
Agad ngang nag-audition si Jason sa pinapangarap niyang show at doon ay pinalad na manalo.
“Picking coach (Sarah Geronimo) was one of the best decisions I’ve ever made…she took a chance on me,” pagbabahagi pa ni Jason na ngayon ay certified recording artist na.
Meron siyang self-titled album which he classified as Pinoy R&B.
Featured sa kanyang album ang mga singles na Caught in that Feeling na isinulat ng American songwriter na si Roxanne Seeman at ang latest track na Milagro na compose naman ni Jungee Marcelo.
Mabibili ang kanyang album sa Astroplus at Astrovision outlets nationwide at puwede na rin i-download sa Spinnr at iTunes.