Daniel sawa na kay Kathryn, may bagong natitipuhan na!
Mukhang dumating na rin ang big break para kay Sue Ramirez. Maganda ‘yung role niya sa bagong libro ng Pangako Sa ‘Yo bilang bagong love interest ni Daniel Padilla. Tiisin lamang niya ang galit ng fans ng KathNiel dahil ang role niya ang talagang magpapakilala sa kanya sa publiko.
May kilig ‘yung pagtatambal nila ng ka-loveteam ni Kathryn Bernardo at hindi naman siya pahuhuli sa ganda at galing umarte ng huli. She has long been waiting to be Ligaya o Joy (character niya sa PSY) at ang long overdue na pagkaka-tap sa kanya ng Kapamilya Network para maging ikatlong bahagi ng isang bagong love triangle.
Mga baguhang artista mas magagaling na kesa sa mga beterana
Bagaman at nakalulungkot dahil mga baguhang artista ang tumalo sa maraming subok na sa pag-arte sa katatapos na Cinema One Originals Film Festival, wake up call na siguro ito sa maraming matatagal nang umaarte na pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
Pamilyar na ang pangalan ni Therese Malvar na nanalo na naman bilang Best Actress para sa pelikulang Hamog. Dalawang taon na ang nakakaraan nang tumawag siya ng pansin dahil tinalo niya ang Superstar na si Nora Aunor bilang Best Actress sa Cine Filipino Film Festival. Sina Kaye Abad, Bangs Garcia, at Bing Pimentel lang naman ang pinataob niya sa aktingan sa Cinema One..
Bago rin ang nanalong Best Actor na si Dino Pastrano para sa pelikulang Baka Siguro Wala. Nakalaban niya sina Ricky Davao, Raymond Bagatsing, at Zaijian Jaranilla. Bago naging artista, nagdaan muna si Dino sa pagiging commercial endorser, cameraman, editor, at assistant director.
Isang child actor naman ang nanalong Best Supporting Actor. Siya si Bor Lentejas na kasama sa Hamog. Tinalo niya sina Ricky Davao at Epi Quizon para sa award.
Ang iba pang winners ng Cinema One Originals ay Manang Biring, Best Film, Best Music, at Champion, Bughaw Award; Hamog, Jury Award; Baka Siguro Wala, Audience Choice Award; Miss Bulalacao, Best Supporing Actress (Chai Fonacier), Best Production Design; at Bukod Kang Pinagpala, Best Screenplay (Ara Chawdhury), Best Sound (Jess Carlos), at Best Production Design (Harley Alcasid).
Janella aariba sa anniversary ng Disneyland
Sinuswerte rin si Janella Salvador. Siya ang napili ng Hong Kong Disneyland para maging kinatawan ng bansa sa 10th anniversary nito. Aawitin ni Janella ang theme song ng nasabing pamosong theme park sa bahagi na ‘yun ng Asya na Happy Ever After. Marami ang nagkagusto sa song nang ilunsad ito ng MOR 101.9.
Hindi naman kataka-taka na magkaro’n ng magandang boses si Janella dahil parehong magagaling na manganganta ang mga magulang niyang sina Janine Desiderio at Juan Miguel Salvador.
Tampok na artista siya sa pelikula ng Regal Films para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2015 na Haunted Mansion. Matagumpay din ang naging TV launch niya sa Oh, My G!
- Latest