Kasalukuyang nasa New York ngayon si Piolo Pascual para sa gaganaping 43rd International Emmy Awards sa November 23. Nag-iisang Pinoy na napili si Piolo bilang presenter sa awarding ceremony kaya malaking karangalan daw ito para sa aktor. “It really overwhelms. This is something new for me and I’m just excited to be there and represent the country with Tita Charo (Santos-Concio) and I’m really excited because we’re carrying the flag of the Philippines,” nakangiting pahayag ni Piolo.
Magsisilbing Gala Chair naman ang President and CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio sa nasabing event na kinabibilangan ng mahigit 500 broadcast at Internet companies mula sa 60 mga bansa sa buong mundo. “It definitely shows that we have what it takes to conquer the global scene for Tita Charo to head the board. It’s quite a feat as well and you know, to accompany her and to present, para lang napakalaking karangalan hindi lang para sa atin at sa ABS-CBN kundi for the Philippines,” dagdag pa ni Piolo.
Anjo ayaw ipilit ang sarili kay Julia
Aminado si Anjo Damiles na na-threaten siya sa pagpasok ni Sam Milby sa teleseryeng Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes. Sina Edgar Allan Guzman at Anjo ang orihinal na katambal ni Julia sa nasabing soap opera. “Na-threaten din po ako no’ng una at nagulat na, ‘Uy! Ba’t pumasok si Sam? Papasok din ba siya sa love triangle namin?’ Pero habang tumatagal po, naiisip ko na ‘wag akong ma-threaten kasi this is the job na pinasok ko. Talagang may papasok at papasok na mga karakter. So kung anong mangyari, I will just go with the flow. Trabaho lang,” pagtatapat ni Anjo.
Samantala, kamakailan ay inamin ng aktor sa Gandang Gabi Vice na crush talaga niya si Julia. Hiningi rin ni Anjo mismong sa telebisyon ang cellphone number ng dalaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya ito nakukuha. “Gusto ko talagang kunin sa kanya kahit personal pero wala pa rin po talaga akong lakas ng loob makuha. Nag-uusap naman po kami,” kwento ni Anjo.
Napababalitang may espesyal na ugnayan diumano sina Julia at Coco Martin at alam naman daw ni Anjo ang tungkol dito. “Nababalitaan ko naman po, naririnig-rinig ko rin po pero ako naman po kasi, paghanga lang ‘yung nararamdaman ko sa kanya. Crush lang naman po. Matagal ko na rin po siyang crush no’ng Mara Clara days pa lang po niya. And siguro, hanggang do’n na lang po ako. Hindi na po hihigit pa sa manliligaw. Hinahangaan ko lang po siya bilang isang magaling na aktres, bilang magandang babae,” giit ng binata.