Hindi pa kalumaan ang kuwentong ito, dalawang taon pa lang ang nakararaan, kinuha ng isang network ang isang dating sikat na babaeng personalidad sa isa nilang teleserye.
Sa production meeting ay okey na okey naman ang female personality, interesado siya sa role na ibinigay sa kanya, nagtatanong pa nga siya kung anong atake ang gusto ng produksiyon kapag gumiling na ang mga camera.
Sa mga unang araw ng taping ay ayos naman ang takbo ng trabaho ng dating sumikat na aktres, dumarating siya sa tamang oras, kung minsan nga ay nauuna pa siyang dumating kesa sa maydala ng generator.
Pero pagkatapos lang nang ilang linggo ay lumutang na ang maraming problema na ang aktres ang dahilan. Kailangan na siyang puntahan ng isang staff para gisingin dahil ayaw niyang bumangon kahit kalabugin pa ng kanyang mga kasambahay ang pintuan ng kanyang kuwarto.
Binabantayan siya hanggang sa makapaligo at makapaghanda ng kanyang sarili, natatakot ang staff na baka bumalik siya sa pagtulog, paano na ang kanilang trabaho?
Kapag nasa set na siya ay madalas namang magkulong sa CR ang aktres, meron siyang ginagawa du’n na pampagana kuno, isa siyang malaking bikig sa lalamunan ng produksiyon.
Ang ending, pinaigsi na lang ang kanyang role, ginamot na lang ng mga writers ang pagkainis ng buong produksiyon sa pagpatay sa kanyang karakter.
“Sobra ang paniwala niya sa sarili niya! Ang akala niya, e, panahon pa rin niya ngayon. Ang akala niya, e, nand’yan pa rin ang mga kalalakihang takam na takam sa kanyang katawan.
“Sayang na sayang ang babaeng ‘yun, hindi niya pinag-ingatan ang opportunity na ibinigay sa kanya, tunaw nang lahat ang mga naipundar niya, wala pa siyang career,” kuwento ng aming impormante.
Ubos!
Nananaway pa Kris hindi nararamdaman ang dusa ng mga Pinoy sa APEC
Pati mga artista ay apektado ng APEC Summit. Kailangan nilang umalis nang mas maaga ngayon kesa sa dati dahil maraming abalang kalye ang isinarado para maipakita ng ating gobyerno sa mga bisitang tagapamuno ng iba-ibang bansa na walang katotohanan ang kuwentong traffic capital of the world ang Pilipinas.