Pabiba at pabida ang mga komento na naririnig ko tungkol sa uri ng interbyu ni Karen Davila kay Alma Moreno.
Siyempre, si Karen ang pabiba at pabida dahil kahit may relevant issues ang mga tanong niya kay Alma, na-turn off sa kanya ang mga tao. Ang feeling nila, sinadya ni Karen na ilagay sa kahihiyan si Alma para mapag-usapan ang television show niya.
Mababaw man ang mga sagot ni Alma, marami ang nakikisimpatiya sa kanya dahil siya ang lumabas na biktima sa kontrobersyal na guesting niya sa show ni Karen. Ang sey ng madlang-bayan, napaglaruan si Alma ni Karen na masyadong aktibo sa social media at nakasawsaw sa lahat ng mga isyu.
Hindi ko pa nakakalimutan ang maaanghang at tsismis na tsismis na mga komento ni Karen tungkol kina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada noong kainitan ng imbestigasyon sa PDAF issue. Hindi puwedeng mag-deny si Karen dahil ako mismo ang nakarinig sa radio program niya ng kanyang mga unfair comment laban kina Bong at Papa Jinggoy.
Basagan ng itlog nina Boobay at Kim Idol bentang-benta!
Wagi sa rating ang CelebriTV noong Sabado dahil hit na hit sa televiewers ang bagong segment ng aming show, ang basagan ng itlog sa mukha.
Sina Boobay at Kim Idol ang mga guest namin. May mga showbiz issue kami ni Papa Joey de Leon na ipapasagot sa kanila at kapag mali ang sagot, sila ang pipili ng itlog na babasagin sa mukha ng katunggali nila.
Dalawa ang klase ng itlog, isang nilaga at sariwa. Malas na lang kung sariwa ang itlog na babasagin sa mukha ng talunan na contestant dahil malagkit ito sa mukha. Ilang beses nga na natalsikan ng itlog ang damit ko. Brutal na contestant si Kim Idol dahil imbes na isa, dalawang itlog ang binasag niya sa mukha ni Boobay na mabuti na lang, hindi pikon. Kung sa akin ginawa ‘yon ni Kim Idol, babasagin ko sa face niya ang lahat ng itlog na laman ng tray. Baka madamay rin ang kanyang century egg!
So, ‘yun na nga, type na type ng televiewers ang bagong portion at basagan ng itlog sa CelebriTV kaya humataw nang todo sa ratings ang aming Saturday afternoon show.
Carlos Siguion-Reyna hindi napigilang mag-emote sa dusa ng mga Pinoy sa APEC
Hindi lamang ang mga mahihirap na Pilipino ang biktima ng overacting na traffic jam sa Metro Manila noong Lunes dahil sa pagdating ng APEC delegates.
Pantay-pantay ang lahat noong Lunes, walang mayaman, walang mahirap sa mga pinerwisyo ng traffic na hindi na naman napaghandaan ng mga kinauukulan.
Hindi rin nakaligtas ang mga artista sa pesteng trapik dahil marami sa kanila ang na-late sa mga appointment nila.
Hindi napigilan ng direktor na si Carlos Siguion-Reyna ang mag-emote nang makita niya ang abang-aba na kalagayan ng mga Pilipino noong Lunes. Ito ang may katuturan at katotohanan na emote ng asawa ni Bibeth Orteza.
“APEC 2015 in Manila: To create economic agreements aimed at facilitating trade among 21 countries in a paralyzed city of resentful citizens, demonstrating to 20 heads of states just how inefficient the host country’s government is for an economic summit...just boggles the mind. “Manila’s schools and offices closed during the summit? Traffic jams everywhere? Two hours to travel two kilometers? People made to walk because of interruptions on public transportation? Dropped calls because of cellphone jammers for security? Government should have asked the delegates to land in Clark, flown them by chopper to Hacienda Luisita, housed/fed/entertained them and hosted the summit there, and left the urban millions alone to do their work in contributing to the economy.
“Might have been cheaper, and security more easily controlled. Instead, we have just shown the world what a stuffed toilet that can’t flush looks like.”