Sportscaster inaresto dahil sa utang

SEEN: Hindi lamang si Regine Velasquez ang wala sa 2015 Christmas Station ID ng GMA 7 dahil wala rin sina Eugene Domingo at Jennylyn Mercado.

SCENE: Hindi dapat malungkot ang fans ni Jennylyn Mercado dahil idadagdag siya sa edited version ng Christmas Station ID ng GMA 7.

SEEN: Ginawang katatawanan ni Alma Moreno ang sarili sa interbyu sa kanya ni Karen Davila. Binigyan ni Alma ng karapatan ang mga tao na laitin siya dahil sa kanyang mga sagot na tiyak na hindi magugustuhan ni Lea Salonga na hate na hate ang mga kababawan.

SCENE: Ang mga pakiusap na huwag laitin si Alma Moreno dahil baka makuha niya ang simpatiya ng masa at iboto siya na senador.

SCENE: Laylay ang birthday celebration ni Lola Nidora sa Eat Bulaga noong Sabado dahil may mga dead air at hindi nakakatawa ang mga dialogue ng cast.

SEEN: Tawang-tawa si Senator Chiz Escudero sa pahayag ni Jun “Bayaw” Sabayton na siya ang kukunin na bise-presidente ng pinakawalang kuwentang reporter sa balat ng lupang TV5 kung sakaling ma-disqualify ang kanyang running mate na si Senator Grace Poe.

SCENE: Inaresto noong Sabado ng gabi ang sportscaster na si Anthony Suntay dahil sa estafa case. Forty thousand pesos ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Suntay na na-detain sa General Trias Police Headquarters, General Trias, Cavite.

Show comments