MANILA, Philippines – Isa na namang linggo ng tanggalan ang nilampasan ng all-Pinay group na 4th Impact sa "X Factor UK."
Ito na ang ikatlong beses na nakaligtas ang 4th Impact upang makasama sa top 7 ng British reality television music competition.
Inawit ng magkakapatid ang “Work It Out” ni Beyonce mula sa pelikulang "Austin Powers in Goldmember."
Tanggal naman sa karera sina Max Stone (Over 25 category) at Monica Michael (Girls category).
Panoorin ang kanilang performance:
Ilang oras bago ang kanilang performance ay hinimatay ang isa sa kanilang mga miyembro na si Celina ngunit hindi siya nagpapigil at ipinahinga lamang niya ito upang magtanghal.
Matapos ang kanilang pagkakaligtas ay nagpasalamat si Celina sa kanilang mga fans.
1st of all I want to thank God for giving me the strength to perform last night. Thank you all for praying for me! Feeling better now - Cel
— 4TH IMPACT (@4thImpactMusic) November 15, 2015