Kailangan pa talaga sigurong matiyak ni Albie Casiño na hindi siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie para tuluyan na siyang maabswelto. Sinabi kasi ni Andi sa surprise presscon ng Angela Markado kung saan ay ginagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Hilda Koronel sa direksyon ni Lino Brocka, na si Jake Ejercito ang ama ng bata. Inalagaan niya sila, minahal at ‘yun ang konsepto niya ng pagiging ama nito sa kanyang anak at hindi ang anumang DNA test na magpapatunay kung sino ang nagbigay buhay sa bata.
Gusto nang matuldukan ni Andi ang paternity ng kanyang anak.
Ang Angela Markado ay magbabadya ng pagbabalik ni Carlo J. Caparas sa pagdidirek ng pelikula na mula sa isa niyang matagumpay na nobela matapos ang maraming taong pamamahinga at ganundin ni Andi na matagal-tagal na ring walang ginagawang pelikula.
Onyok ng Ang Probinsyano, gumagawa ng ingay!
Malaki ang nagiging impluwensya ng batang sidekick ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na si Simon “Onyok” Pineda. Isa sa sumali sa Dance Kidz at nagsasabi ng pamosong linyang “Haaay, Naku!!!”
Napag-uusapan na rin lamang ang bagong palabas ng Kapamilya, mukhang nakauna na naman ito sa pagggawa ng isang paligsahan sa pagsasayaw na mga bata ang kalahok. Kung ang The Voice Kids ay mas naungusan pa ang pakontes sa pagkanta para sa mga may gulang na, wala nang pasubali na mamayani na naman ang paligsahang ito para sa mga bata.
Tom Taus kalebel na ang mga international DJ tulad ni David Guetta
Magaling si Tom Taus sa kanyang pagiging isang DJ. Ito ang napatunayan ng maraming nanood ng live ng 7th Star Awards for Music nung Nov. 10 sa Kia Theater. Isa si Tom sa tatlong nag-host ng awards night na mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa Nov. 29 ng gabi kasama sina Kim Chiu at Enchong Dee.
Napagmukha niyang masaya ang makulay na event ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na tinampukan ng maraming malalaking pangalan sa musika. Kaya naman pala siya in demand sa mga gig at dance scenes sa buong kapuluan dahil naimbita na siyang mag-perform sa Ultra Japan, isang electronic music festival na ginanap sa Tokyo at nagtampok ng stellar line-up kasama ang mga superstar DJs tuad nina David Guetta, Skrillex, Alesso, Dash Berfin, at Armin Van Buuren.
Matapos ang Ultra Japan, maraming bansa pa ang naghihintay sa kanyang serbisyo.