Wala pa ring linaw kung sino ang gaganap bilang bagong Darna sa pelikula. Matatandaang umatras na si Angel Locsin para sa proyekto dahil sa ilang kondisyong pangkalusugan. Isa si Nadine Lustre sa mga napipisil ng mga tagahanga na gumanap bilang Darna kaya masayang-masaya ang aktres. “Of course I want, gusto ko po siyempre kasi Darna ‘yun ‘di ba? It’s a privilege na maging Darna ka. Bigyan nila ako ng gym time, bigyan nila ako ng time mag-train pero bahala na. I don’t know, wala pang sinasabi sa akin,” nakangiting pahayag ni Nadine.
Suportado naman daw ng katambal na si James Reid si Nadine kung sakaling matutuloy ang nasabing proyekto. “If she’s Darna then I’m Captain Barbell. She could do it. I told her she could do it. Yeah, she does have the body to do it,” maikling pahayag ni James.
Bukod sa teleseryeng On the Wings of Love ay abala na rin ngayon sina Nadine at James sa shooting ng pelikulang The Beautie and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival sa susunod na buwan.
Charo nakalutang pa rin sa pagiging gala chair ng Emmy
Sa November 23 na gaganapin ang 43rd International Emmy Awards sa New York City. Ang nasabing awards night ay kinabibilangan ng mahigit 500 broadcast at internet companies mula sa 60 mga bansa sa buong mundo. Isa ang ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio na napiling Gala Chair para sa nasabing event. “I’m so honored I felt like I was floating parang ‘Wow! Do you know how to be recognized by the board of Emmy’s to host a gathering of the creative and the production people and the talents from all over the world,” pahayag ni Charo.
Malaki ang pasasalamat ni CSC sa lahat ng Kapamilya employees na nagbibigay ng inspirasyon sa kanya bilang presidente ng kumpanya. “A leader can only be as good as the team he, she is working with. Hindi pwedeng mabuo ka ng sarili mo lang. I’ve been so blessed my heart is filled with gratitude for every single employee who has touched me and for every single Kapamilya who has brought me love and inspiration,” makahulugang pahayag ni Charo.
Nagsisilbing inspirasyon din naman si CSC sa kababayan natin saan mang sulok ng mundo. “Sana naman sa kaunting paraan ay nakapagbigay ako ng inspirasyon sa mga kasamahan natin. A lot of Filipinos have great stories to tell about our Filipino spirit of strength and resilience. And I really hope more of our shows would be recognized by the international community. And I’m sure na isang araw na five to ten years from now, Filipino content will be as big as content from other parts of the world. I believe in Filipino genius, I believe in Filipino creativity. Our teleseryes have been bought in Asia, Europe, Latin America, Central Asia, Africa so you know that’s great recognition for our talent as creative people,” paliwanag pa niya.