MANILA, Philippines – Agency Star na si Tom Taus na isa na ring international Dj sa kasalukuyan, sa ULTRA JAPAN.
Ang nasabing event ay ang Japanese edition ng world’s biggest electronic music festival.
Ginanap ang ULTRA JAPAN sa Tokyo last September kunsaan tampok din ang mga superstar DJs gaya nina David Guetta, Skrillex, Alesso, Dash Berlin, and Armin Van Buuren.
Ito ang first appearance ni Tom sa isang major international music festival sa Asia at kaagad niya na-impressed ang mga organizer ng event dahil sa kanyang husay sa pagdi-DJ.
In fact, siya ang unang isinalang sa entablado bago sina Dash Berlin, Alesso, at David Guetta.
“I still could not believe I played on the same stage as all these artists that are some of the biggest names in electronic music today,” pagbabahagi pa ng dating childstar.
Si Tom ay ang unang Pilipinong nag-perform sa ULTRA, ang pinakamalaki at ang natatanging independent electronic music festival sa buong mundo.
Ang nasabing festival ay unang dinaos sa Miami Beach, Florida in the U.S. noong 1999.
Sa loob ng 16 years, nag-set na nga sa kani-kanilang mga bansa ng ULTRA festivals ang Argentina, Brazil, Chile, Ibiza, Korea, at South Africa.
Ang mga main organizer pala ng ULTRA JAPAN ang mismong nag-imbita kay Tom para mag-perform sa festival pagkatapos nila itong makita sa mga local gigs nito sa Manila.
Invited din si Tom sa Road to ULTRA: Manila, isa sa mga satellite events ng festival, na dinaos sa MOA Arena isang linggo matapos ng Tokyo event.
Naging interesado si Tom mag-DJ 10 years ago matapos itong masubukan sa isang private party ng kaibigan.
Lalong nahilig si Tom sa pagdi-DJ nang mag-migrate sila sa U.S. noong 2001 nang siya ay 13 taong gulang pa lamang.
May sarili na ngang pangalan si Tom sa Hollywood kunsaan mas kilala siya bilang si DJ TommyT.
Nagpe-perform naman siya rito sa Pilipinas bilang si DJ Tom Taus at nagsimula nang mag-tour last year pagkatapos ng kanyang successful stint sa ULTRA JAPAN.