Magiging bahagi na si Richard Yap ng teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Aminado si Richard na sinubaybayan at nagustuhan niya ang proyekto mula noong nagsimula ito. “When I watched the premiere of Ang Probinsyano, nagustuhan ko ‘yung story and nakita ko na it’s something different, very action packed. Mabilis ‘yung story and sobrang ganda ng pagkagawa. So I wanted to be part of it kahit na kontrabida,” bungad ni Richard.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang aktor bilang si Philip Tang na kontrabida at lider ng isang sindikato. “This is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotyped na itong role lang ang pwede kong gawin na good guy role. So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors kung paano gawin as a kontrabida. Kasi iba ‘yung atake rin dito, iba ‘yung mind set mo. Actually, mas stressful siya so it’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself. I want to improve myself in my craft,” paliwanag ni Richard.
Para sa aktor ay may bago raw dapat nakikita sa kanya ang mga tagahanga sa bawat proyektong ginagawa. “Mahirap naman ‘yung parating isang side lang ‘yung ipapakita mo parati sa audience. It helps to keep the interest alive. You have to reinvent yourself all the time,” giit pa niya.
Matteo naninibago sa pakiramdam ng pagiging singer
Sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasan ni Matteo Guidicelli na mag-launch ng isang album. Pinasok na rin kasi ng aktor ang pagkanta ngayon. “It’s awesome, it’s the first time so all these feelings are all new. So parang I never felt this way. We were just going around and promoting the song (Ipapadama Na Lang). Masaya, I just hope that people will enjoy it and the songs to come in my album. So sana maging okay,” nakangiting pahayag ni Matteo.
Sa November 27 nakatakdang ilunsad ang album at sa November 28 naman gaganapin ang kauna-unahang concert ng binata. “Everything is good. We just had our rehearsals a few days ago and I’m very excited because Martin Nievera and more are going to be our guests and we have a cool line-up, with a cool bunch of cool songs. So I’m very excited,” pagbabahagi ni Matteo.
Mula sa pagiging aktor ay nae-enjoy naman daw ng binata ang pagkanta. “It’s fun. I’m just enjoying every moment of it. It’s fun because I go around with group, with a lot of people and you just have a good time all the time and you sing songs you like to sing and it’s just fun. It’s just different,” paliwanag ni Matteo.