Si Nadine ang Darna James lilipad na Captain Barbell!

JaDine

MANILA, Philippines – Maraming naaliw nang mag-dialogue si James Reid na siya ang magiging Captain Barbell nang mausisa si Nadine Lustre kung naghahanda ba siyang maging Darna dahil siya ang choice ng netizens sa isang survey na isinagawa ng Push.com.

Ayon kasi kay Nadine wala pa naman siyang formal na offer pero kung meron, dapat daw paghandaan ‘yun. “Basta bibigyan ako ng time na makapag-prepare,” sabi ng young actress.

Doon naman sumagot si James na: “siya si Darna ako si Captain Bar­bell.”

Kaya naman ang fans ang agad na nagkampanya sa Twitter. With matching outfit na ang dalawa.

Malay natin magkatotoo.

Cum Laude ng Boston U na apo ni Mother Lily, sa bora magpapakasal

Emosyonal ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Enter­tainment dahil ngayong araw ang kasal ng anak ni Ms. Roselle na si Keith Teo sa girlfriend niya ng apat na taon, si Winni Wang sa isang bonggang se­re­monyas sa beach ng  isla ng Boracay.

Isa si Keith sa pitong apo ni Mother Lily na 32 taong gulang. Fully accomplished na ang groom na nagtapos ng cum laude sa kursong Law sa Boston University. Meron din siyang Masters of Law mula sa UC Hastings.

Isa namang doctor-pharmacist si Winni. Magkasama silang lumaki sa Amerika.

Kapwa beach lover sina Keith at Winni kaya naman napili nilang magpakasal sa Boracay.

At walang ibang naisip si Ms. Roselle kundi ang Boracay.

Mga kilalang personalidad sa showbiz, pulitika at business sector ang ilan sa principal sponsors tulad nina Mr. Antonio Tuviera at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Peter Coyiuto, lawyer Alfred Alex Cruz III at Sen. Loren Legarda, Jose Javier Reyes at Cristina Tan Ng, Jose “Chito” Roño, Comm. Leonida Bayani Ortiz, Kenneth Yang at Cory Vidanes.

“The excitement is the same as when I was getting married. It’s also the same as when my four children got married. Inaasikaso ko ang lahat ng bagay. I’m also eager to be a great-grandmother. Pero iba ang apo,” sabi ng Regal matriarch na nagpahayag na siya rin ang nag-alaga kay Keith nu’ng maliit pa siyang bata.

Sa panig naman ni Roselle, saad niya, “He’s thoughtful and very caring. When he was a kid, every time he saw my mom smoking, he would take away the cigarette and put it off.

“My mom was operated on ( for lung cancer a few years ago), Keith came home from the States and took a break from his work to check on his grandma.”

Kasamang dumating ng ikakasal ang ilang kaibigan galing Amerika at dumating naman ang mga kamag-anak at kaibigan ng bride mula sa Taiwan.

Babalik sina Keith at Winni sa San Francisco, California matapos ang kanilang honeymoon.

Best wishes Keith and Winni.

Show comments