Maswerte si Benjie Paras sa kanyang mga anak dahil kahit lumaki ang mga ito na hindi kasama ang kanilang ina ay hindi siya nagkulang na punuan ang mga ito. Malaki rin ang ambag ng kanilang stepmother sa kanilang paglaki kaya walang naramdamang kakulangan ang dalawang binata pagdating sa bagay na ito.
Walang patumpik-tumpik na tinuldukan ni Andre Paras ang posiblidad na baka sa rami ng nakikilala at nakakaharap niyang babae ay may mabuntis siya.
“Hindi mangyayari ito dahil pinalaki akong mabuti ng aking mga magulang. Nakikipagkaibigan lamang ako sa mga tamang tao at pumipili rin ako ng mga sinasamahan kong barkada. Malaking impluwensya ang mga kaibigan sa aking buhay kaya dapat hindi mali ang mga sinasamahan kong barkada,” paliwanag ng isa sa mga bida ng horror-comedy ng Viva Films na Wang Fam at mapapanood na sa Nov. 18 sa mga sinehan.
Sa movie ay kasamang muli ni Andre si Yassi Pressman. Mayro’n naman silang chemistry at they get along well, pero sinabi ni Andre na wala pa silang relasyon tulad ni Barbie Forteza na ka-loveteam niya sa The Half Sisters.
Bagaman at inaasahan ng kanyang fans and followers na may mapipili siyang girlfriend sa dalawang kabataang artistang babae, sinabi ng kabataang aktor na mas focused siya sa kanyang work and studies kaysa sa kanyang lovelife. “It will come soon, pero sa ngayon ayaw ko munang pumasok sa isang relationship,” paliwanag niya.
First time magkakatrabaho sa Wang Fam ng mag-ama at enjoy si Andre sa experience kahit bihira silang magkita sa bahay dahil sa kaabalahan. Dahil sa pelikula halos araw-araw na silang magkasama sa shooting.
Kabataang Pinoy magsasalpukan sa Dance Kids
Isa ang kakulangan sa training ng mga Pilipino ang pagsasayaw, bata man o matanda. Ito’y ayon kay Andy Alviz isa sa Dance Masters na kinuha ng ABS-CBN para gumabay sa maraming kabataan na lalahok sa pinakabagong orihinal na programa ng network na magsisimula na ngayong Sabado (Nob. 14), ang Dance Kids. Pero hindi ito dahilan para panghinaan ng loob ang maraming Pinoy na ipamalas ang kanilang talento sa pagsasayaw sa kabila ng sinasabing walang pera sa dancing at magkakapera lamang ang mga mananayaw kapag naging propesyonal na sila. Ilan lamang ba kina Georcelle Dapat-Sy, Andy Alviz, at Vhong Navarro, Dance Masters ng Dance Kids, ang inabot ng swerte na kumikita gamit ang kanilang dancing skills kumpara sa mga daan-daang mananayaw na umaasa na mapabilang sa kanilang grupo?
Marami ring grupo ang umaasa at nag-a-abroad para sumali sa mga dance competition na madalas nanalo pero bukod sa karangalan na naiuuwi nila, napakaliit lamang ng premyo ang kanilang napaghahatian. Pero sa kabila nito ay tuloy pa rin sila sa pagsasayaw.
Sa Dance Kids, magpapabilib sa sayawan ang iba’t ibang solo, duo, at group dance artists mula apat hanggang 12 taong gulang na napili sa ginanap na audition sa apat na sulok ng Pilipinas. Sasabak sa tryouts ang 60 acts na hahatiin sa dalawang teams sa ilalim ng dalawang dance celebrities.
Para makalusot sa tryouts kailangang mapa-stomp nila ang tatlong Dance Masters. Kapag hindi pumasa ang isang act sa tatlong Dance Masters kailangang makumbinse nila ang tatlo na bigyan sila ng unanimous vote. Sa pagtatapos ng tryouts, 16 acts kada team na lang ang matitira hanggang umabot sila sa Final 4.
Nora nakasalalay sa Little Nanay kung magkaka-kontrata sa GMA
Sa rami ng supporters ng Superstar na si Nora Aunor, hindi na marahil kailangan ng GMA ng malaking promosyon para panoorin ang bagong programa nito sa Kapuso Network na Little Nanay. Alam naman ng lahat na pumipili lang ng proyekto ang magaling na akres at kahit hindi siya ang gaganap ng title role sa serye ay ibibigay niya ang kanyang buong konsentrasyon at kaalaman for her role, otherwise tinanggihan na lamang niya ang proyekto tungkol sa dalawang pamilya.
Parang tinitingnan lamang ni Nora ang kalalabasan ng paggawa niya ng serye sa Kapuso Network. Bago ito ay nakalabas na siya sa ilang programa.
Nakasalalay sa Little Nanay kung pirmihan na siyang iistar sa GMA.