SEEN: Ang balita na nag-walk out si Mike Tan sa premiere night ng No Boyfriend Since Birth dahil hindi siya natuwa na may ibang talent na nag-dub sa kanyang mga linya sa pelikula.
SCENE: Hindi kawalan sa Regal Entertainment Inc. kung ayaw nang gumawa ni Tom Rodriguez ng pelikula sa naturang movie outfit dahil hindi rin niya ikinatuwa na may nag-dub ng kanyang mga dialogue sa No Boyfriend Since Birth.
SEEN: Tinutukan kahapon ng sambayanang Pilipino ang televised senate inquiry tungkol sa laglag bala scam sa Ninoy Aquino International Airport. Marami ang kumbinsido na may sindikato ng laglag-bala sa NAIA.
SCENE: Hindi naiinsulto si Pokwang kapag may mga nagsasabi na kamukha niya ang baguhang gay comedian na si Dyosa Pockoh na ipinakikilala sa Wang Fam ng Viva Films.
SEEN: Ipinagdiwang ng Viva Films noong Miyerkoles ang 34th anniversary sa pamamagitan ng isang simpleng salo-salo sa kanilang Tektite Building office. Special guest si Robin Padilla, isa sa mga original contract star ng Viva Films.
SCENE: Si Richard Yap ang bagong karagdagan sa cast ng Ang Probinsyano. Nagiging pandagdag si Richard sa mga teleserye ng ABS-CBN buhat nang magwakas ang Be Careful with My Heart.
SEEN: Ang pangit na palitan ng mga mensahe sa social media nina DJ Mo, ng kanyang girlfriend na si DJ Angelicopter at Tricia Centenera, ang asawa ni Gab Valenciano. Libelous at nakasisirang-puri ang palitan nila ng mga personal na mensahe na hindi dapat tularan ng mga tao na may pagpapahalaga sa moral at dignidad.
SCENE: Inisa-isa ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang senatorial campaign ad ang mga kahirapan na pinagdaanan niya. Kumakandidatong senador si Moreno sa Partido Galing at Puso nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero.