Enrique gustung-gusto nang magbakasyon sa ipinagagawang beach house sa Batangas
Masayang-masaya si Enrique Gil sa naging resulta ng pelikulang Everyday I Love You na pinagbibidahan nila ni Liza Soberano dahil kumita na ito ng mahigit P100 million sa takilya. Maganda rin ang feedback ng mga manonood sa nasabing proyekto na nasa ikatlong linggo na sa mga sinehan ngayon. “I’m happy at least I’m learning something sa tagal ko sa industriya. Well, hindi pa masyado matagal pero at least I’m learning. Siyempre ‘yung director namin was also helping me out. I just wanted to be different (sa karakter sa pelikula),” nakangiting pahayag ni Enrique.
Isang bagong teleserye na raw ngayon ang pinaghahandaan ng aktor at ni Liza. “Actually kaka-pitching lang namin ng bagong teleserye. It’s going to be really nice, maganda ‘yung story niya. So I can’t wait for it to come out. Actually malapit na yata kaming mag-start eh. I think early December so watch for it guys. Basta masasabi ko it’s different from Forevermore, iba ‘yung character ko do’n, iba din si Liza,” pagbabahagi ni Enrique.
Samantala, ngayong Kapaskuhan ay nangangarap daw ang binata na makapagbakasyon sa pinapagawang beach house sa Batangas. “Sana kung pwede magbakasyon, sana magbakasyon pero feeling ko magte-taping na kami. So siguro sa beach house lang, ‘pag hindi pa tapos baka do’n na lang muna kami sa Batangas, ‘di muna lalayo. Kailangan magpahinga din para sa soap,” giit ng aktor.
Pero walang nagawa... Juliana kontra sa kandidatura ni Goma
Hindi raw sumasang-ayon ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana sa muling pagtakbo ng aktor bilang Mayor ng Ormoc sa nalalapit na eleksyon. “Juliana’s 15 (years old) now. And if I win in next year’s elections, I will be there for three years and I will not be with Juliana every day. And that’s a big sacrifice. Juliana talked to me, sabi niya, ‘Dad, sana ‘wag ka na lang tumakbo.’ And I was quiet for a while kasi I understand na kailangan niya ‘yung time, but I made her understand. And tinanggap naman niya,” kwento ni Richard.
Malaking sakripisyo para sa aktor ang gagawin lalo pa’t maraming proyekto bilang artista ang hindi niya magagawa sa panahon ng kampanya. “It was a big decision for me. Kasi ang ganda ng takbo ng career ko. This year, last year, and next year will be a better career for me as an actor. Ang daming trabaho na mawawala but there is so much to do in Ormoc City. Ang ganda ng lugar namin doon. Ang laki ng potential niya to improve, para mapaganda, para mapasikat ‘yung lugar,” paliwanag ni Richard.
“Kung gusto mong tumulong as a regular person, yes you can. Pero kung talagang gusto mong tumulong sa maraming tao, you really have to be in politics. Bakit? Kasi you can make use of the government’s resources,” dagdag pa niya.
- Latest