MANILA, Philippines – Si Jet Li ang peg ni Richard Yap sa pagpasok niyang kontrabida sa primetime series ng Kapamilya Network na FPJ’s Ang Probinsiyano.
Yup, gaganap na leader ng child trafficking syndicate ang actor sa pinagbibidahang serye ni Coco Martin ang aktor.
At aminado siyang nag-volunteer siya para makasama sa serye kahit kontrabida. “Nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ang story at sobrang ganda ng pagkagawa. So, I requested na kung pwede akong masali dito,” pag-amin ng actor kahapon sa ibinigay sa kanyang solo presscon ng ABS-CBN.
Mag-aaction siya rito at pahinga muna sa pag-goody na role kung saan siya nakilala via Be Careful With My Heart.
Ayon kay Richard kinailangan pa niyang manood ng mga pelikulang action para makakuha ng ideas at maiangat ang level ng kanyang gagawin.
“Well, this is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotype na itong role lang na ito ang pwede kong gawin, good guy role. So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors, kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito, eh. Iba ‘yung mindset mo. Actually, mas stressful siya. It’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft,” paliwanag niya pa.
Meron na silang mga nakunang action scenes pero hindi pa ito napapalabas.
Excited na rin siyang makasagupa si Coco. “Alam kong intsense si Coco pagdating sa kanyang role,” pakli niya.
Kamakailan lang ay pumasok din si Richard sa Doble Kara.
Early next year na manganganak si Judy Ann Santos na hinihintay ng actor para sa gagawin nilang serye. Naudlot kasi ito nang mabuntis ang aktres.
Everyday I Love… nada-download na sa internet
Uy nada-download na sa Internet ang pelikulang Everyday, I Love You na palabas pa rin sa ilang sinehan.
At ang linaw ng kopya ha. Sobra. May na-download ang isa kong kakilala at nang i-check ko, may subtitle pa.
Actually, maganda ang kuwento ng pelikulang ito kaya maraming gustong mapanood ito na ayaw namang gumastos.
Sobrang bagay kay Enrique Gil ang role niya rito bilang director ng travel show na na-in love sa host nila na si Liza Soberano na talagang nagpakita ng galing sa aktingan bukod pa siyempre sa sobrang refreshing ng mukha niya. Habang si Gerald Anderson ay nakakaalangang panoorin na hindi bida sa pelikulang ito.
Anyway, I’m sure meron na rin itong pirated copies.